Bakit Nagiging Emosyonal Ang Isang Tao Kapag Umuulan?

 

             Habang ginagawa ko itong blog, may background music ako na masasabing pang-emo (short term for emotional). Naisip ko tuloy gumawa ng blog dahil malamig ang panahon, dahil maulan at samahan mo pa ng mga kantang pang emo nga. Natanong ko lang sa aking sarili, bakit may mga taong nagiging emosyonal, o malungkot kapag umuulan? Lalo na at gabi pa nang ginawa ko itong blog. Ako din mismo, ay nagiging emosyonal kapag ganito ang senaryo.

         Aking sinuri ang mga bagay na sa aking palagay ay nagbibigay ng dahilan kung bakit nagiging emosyonal ang isang tao kapag umuulan. 

      Una, dahil naaayon ang panahon sa temperatura ng katawan. Paano ko ito nasabi? Dahil ang katawan ng tao ay narerelax kapag maulan ang panahon. At kapag narerelax ang katawan ng tao, nagpapadala ito ng mensahe sa utak na komportable ang panahon para sa pamamahinga. At dahil tayo ay narerelax, may mga naalala tayong mga karanasan, ito ay mga nakaraang pangyayari sa ating buhay.Sa madaling salita, ito yung mga panahong naiisip natin na tayo ay nag iisa at naiisip natin ang mga masasayang pangyayari sa buhay natin. O maaari ding masasakit na pangyayari sa nakaraan. Dito nagsisimula ang pagiging emosyonal ng isang tao.

           Kapag umuulan, minsan may dala din itong katahimikan. Dahil nakikita o nadarama mo na ikaw ay nag-iisa, dito yumayabong ang kapayapaan sa ating isip. Dahil sa katahimikan, doon natin naaalala o nag pa “flashback” ang mga di makakalimutang karanasan sa buhay. Ako, kapag payapa ang isip, mas maraming masasayang karanasan ang sumasaglit sa isipan ko na nagdudulot ng pagkalumbay. 

          Anu- ano ba ang hindi malilimutang karanasan na nagdudulot ng pagkalumbay o pagiging emosyonal?Tulad ng nasabi ko, maaaring masasaya tulad ng karanasan mo sa mga kaibigan mo, mga pagpasyal, paglabas at kung anu ano pa na kasam mo sila. Maaari ring malulungkot na karanasan. Sa pag-ibig halimbawa, mga naaalala mo sa dati mong boyfriend o girlfriend. 

          Minsan, kapag umuulan, dama mong makinig ng mga kanta sa radyo. Mga kantang may malulungkot na mensahe. Sabi nga nila, kapag masaya ka, mas dama mo ang melodiya ng kanta, ngunit kapag malungkot ka, dama mo ang mensahe ng bawat liriko sa kanta. Dito, mas dama natin ang mensahe ng kanta. Dahil naisasalysay ng kanta ang karanasang hindi natin makakalimutan.

          Ako, kapag umuulan tulad ngayon, aking naaalala ang aking mga kaibigan. Ang mga masasaya at walang humpay na tawanan. Ang mga kwento ng bawat isa na sa bandang huli ay nagbibigay ng payo, mga pagsasalu-salo, pagtitipon. Mga masasayang karanasan na nagdudulot sa akin ng pagkalungkot. Dahil na mimiss ko na sila, 

         ….ang mga ito ay base lamang sa aking pananaw, at hindi ito galing sa anumang pagsasaliksik. Sapagkat, ito ay hango sa aking nararamdaman kapag ako ay emosyonal.

 

 

Image

 

Let the rain kiss you. Let the rain beat upon your head with silver liquid drops. Let the rain sing you a lullaby. 

-Langston Hughes

 

 

Image

 

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s