Of Canadian and other Foreign Dream: Exodus of Filipino Talents

Ang mga sumusunod na talata ay base sa mga kwento, sabi-sabi, haka-haka (which is true naman) ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Canada! Oh Canada!…..Naalala ko lang ang kantang ito sa isang wrestling match sa telebisyon. Ngayong linggong ito ipinagdiriwang ang Canada Day or Dominion Day para sa mga Canadian. Every 1st Sunday of July ipinagdiriwang ito. May naalala lang ako patungkol sa Canada (since some of my friends in facebook are abuzz ’bout Canada Day). And its all about the migration of Filipino managers to their country.

Bago pa ko pumasok ng career sa restaurant industry, usap usapan at isyu na ang paglipad sa Canada. Bukod sa malaki ang katumbas ng currency nila kapag ipinagpalit dito sa Pilipinas (or should I say, Filipinas?), madaming opportunities ang naghihintay doon. May nag post sa facebook ng kanyang status patungkol sa trending na Canada Day. At ang sabi nya: Good for them, they have pool of talented Filipino workers there, Bad for us….ūüė¶ Nauunawaan ako ang ibig nyang ipahiwatig.

Sino ba naman ang ayaw makapagtrabaho sa Canada? Mayamang bansa, malamig ang klima, napakamura ng mga gadgets doon. Ako rin mismo’y nag-iisip din kung itutuloy ko din ang paglipad ko sa Canada ngunit sa taon ngayon ay wala pa akong balak. Tulad na lamang sa inalisan kong trabaho. Noon 2011, halos lahat ng manager sa isang tindahan ang umalis at lumipad sa Canada. Nito lamang May 1, isang regular crew ng aming kumpanya ang umalis. At may nabalitaan pa akong isa pang manager ang aalis patungong Canada ngayong July 10.

Anu ano nga ba ang magiging kahihinatnan mo sa paglipat sa Canada? Ano ang magiging trabaho mo doon? At bakit may tumatagal doon at tuluyan ng nagiging residente sa bansang iyon?

¬†Kung dito, manager ka, doon ay crew ka. Yan ang magiging posisyon mo doon. Ngunit, hindi tulad dito sa atin, kapag sinabing crew ay pulos mabibigat na trabaho ang gagawin mo. ¬†Halimbawa, dito sa bansa natin, mahirap din ang trabaho ng isang crew. Kakarampot na sahod ang pinagtitiisan nila at minsan may bitbit pa silang. . . . ¬†(anyway, moving on). Pwes,ibahin mo ang crew sa Canada. May nakapagsabi sa akin na hindi ganoon kabigat ang trabaho nila, Kitang kita naman sa mga litrato nila sa facebook at instagram ang kasiyahang magtrabaho doon. Sa isang linggo, kinakailangan mong bunuin ang designated total hours mo per week at ikaw ang pipili ng schedule mo. Samakatuwid, hawak mo ang oras mo. An 8 hour duty a day. Kung sa ibang kumpanya dito sa Pilipinas ay hindi bayad ang overtime, doon ay bayad. (Kasi nga naman, kung mag oovertime ka, imagine the CONVERSION, hehehe!). Kumbaga malaki ang “conversion factor” nito sa ating bansa. Since hawak mo ang oras mo, maaari ka pang makakuha ng sideline. Pwede kang mag masahe, ,pang extra income ba. Always remember the “conversion factor” na tinatawag. Hindi ko lubos maisip ang kanilang ginagawa doon. Laging online at maya’t maya ay nagpopost ng mga pictures. Kung susumahin, kaluhuan ang mga makikita mo sa facebook account nila, Ngunit ano pa nga ba ang silbi ng “conversion factor” ika nga.

Hindi din naman hirap ang trabaho ng mga manager doon. Hindi din uso doon ang tawagang Sir/ Ma’am. You will be called according to your name. So let say, “Arvin, kindly mop the floor on that area?” then I would say “Yes, sure Karen.” Oh, wag ng magtaray, kung dito manager ka, doon pwede ka naman maging manager’ if and only if,’ mataas ang posisyon mo dito sa Pilipinas dati (let say an Area Manager, Group Manager or Operations Manager). Kung dito, nagkukumahog kang magtrabaho upang makamtan ang malaking sweldo, na halos buong araw ay nasa tindahan ka pari’t parito, doon masasabing “petiks” ang buhay mo. Kung dito, malaking role ang ginagampanan mo bilang manager, from paper works to managing the totality of the store’s different aspects, doon, mismong may ari ang nag oorder ng stocks para sa store nya. (and how great is that! hehehe! kidding).

Libreng lounge, magkaroon pa ng kotse (sa mga managers)  masaya at walang stress na pamumuhay, saan ka pa! ( Sorry, na carried away lang ako). Ang balita ko pa nga, kapag tumagal ka ng two (2) years sa Canada, pwede mo ng kunin ang pamilya mo at doon na manirahan. Libre hanggang high school ang pag-aaral.

Sadyang nakakasilaw ang wagayway ng bandila ng Canada sa mga Filipinong nag-aasam ng magandang buhay. Lahat ng pwedeng maibigay sa kanilang manggagawa ay gagawin masiguro lang na lahat ay masasabing “satisfied” sa kanilang buhay Canada. Sa tingin nyo bakit pa ba may umaalis at naghahanap buhay sa ibang bansa?

Marahil, alam naman natin ang kasagutan.

Ang Pilipinas ay minsan ng ¬†binansagan bilang ‘Lupain ng mga Katulong or Land of Domestic Helpers’. Naging isyu pa ito sa Hong Kong matapos sabihin ng isang chinese writer sa kanyang kolum na ang Pilipinas ay bansa ng mga alipin. Para sa akin, maaaring may punto ang chinese writer na iyon. Sa Hong Kong pa lang, ilang libong domestic helpers na ang namamasukan doon. Ayon sa isang pag-aaral, lumalabas noong 2011, na ang populasyon ng mga Pilipino ¬†na nasa ibang bansa ay umaabot sa higit 10 milyon at halos 2 milyon dito ay naninirahan na sa bansang pinagtatrabahuhan.

Ayon din sa pag-aaral, ang mga top destination daw ng mga mangagawang Filipino ay U.S., Canada, Singapore, Malaysia, Saudi Arabia, at Abu Dhabi. Una na rito ang Estados Unidos na may 33% of the ten million population na may nagtatrabahong mga Filipino. Samantalang pangatlo naman ang Canada sa may mataas na bilang ng may mga Filipinong manggagawa sa bansa (8%). Ayon din sa huling pag-aaral, pumangalawa ang Canada sa may malaking remittances ngayong taon sa unang quarter ng 2013. Tumaas ang remittance rate ng bansa ng 6% nitong Pebrero lang.

Maaaring may magandang kontribusyon ang dala ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa pagdating sa ekonomiya . Tawag nga sa kanila ay bayani ng modernong panahon. Ngunit hindi din natin masasabing maganda ang maraming Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Patunay lamang ito na hindi maibigay ng kasalukuyang gobyerno ang pangangailangan ng isang manggagawang Filipino. Lumalabas na 10-11% ng kabuuang populasyon ng Filipino ay nagtatrabaho o naninirahan na sa ibang bansa,  Araw-araw, naglalaro sa 4000-4500 na Filipino ang umaalis patungong ibang bansa. Sumatutal, umaabot sa milyong kababayan natin ang umaalis kada taon.

Ang pag-alis ng mga magagaling na mga manager at crew ay isa lamang halimbawa ng hindi maibigay na pangangailangan ng mga employer ng kasalukuyang panahon. Kaya’t hindi na rin kataka taka kung bakit taun-taon na lang, may umaalis na ¬†mga manager at crew sa ating bansa.

Dapat, magsilbing hamon sana ito, sa ating gobyerno, hindi lamang sa gobyerno, kundi maging sa ¬†mga kumpanyang nagnanais talaga ng magandang pamumuhay para sa kanilang mga empleyado at manatili ng matagal sa kanila. Buti pa ang mga bansang nasa Top Destination for OFWs, naibibigay ang mga pangangailangan ng mga kapwa nating Filipino,samantalang dito mismo sa bansa natin ay hindi kayang matugunan ito. Hindi ko din naman alam kung bakit hindi magaya o tularan ng Filipinas ang mga bansang iyon, o ng mga kumpanya dito sa Filipinas ang mga kumpanya sa ibang bansa. Maaaring may mga sagot sila ukol dito ngunit hindi pa rin matatawaran ang pag-aaruga ng ibang bansa sa mga dayuhang naghahanap buhay roon. ¬†Sa huli, ang tanging masasabi na lang ng isang manggagawang Filipino na lilipad sa ibang bansa ay: “Hindi naman ito para sa akin eh, para ito sa pamilya ko.”

McDonalds, A&W, or Tim Hortons? How ’bout KFC or Burger King?….

‚ÄúRemember, remember always, that all of us, and you and I especially, are descended from immigrants and revolutionists.‚ÄĚ
‚Äē¬†Franklin D. Roosevelt

Follow me on these sites:

facebook: arvintomlinson

twitter: maurerarvin

instagram: arvindgvalencia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s