Nakakapagod ang Maghintay ngunit Bakit Ako Susuko?: Isang Repleksyon

Ako ay napapagod. Napapagod kakahintay na ipagkaloob ng Diyos ang hinihingi ko, Dahil sa sobrang pagkapagod, madalas tumatakbo sa isip ko na sumuko na. Araw-araw akong nagtatyagang hanapin ang oportunidad na sa aking buong paniniwala ay nakalaan sa akin. Gabi-gabi, ako ay nagmumuni kung ano ba talaga ang plano sa akin ng Diyos. Lumilipas ang mga araw, dumaraan ang buwan, wala pa rin akong nakikitang liwanag.

Pakiramdam ko ay isang nauupos na kandila, unti unting nauupos ang liwanag. Sumasaglit sa isipan ko ang pagtiwalag sa tiwala ko sa Kanya. Na parang ayoko nang magtiwala. Dumaraan ang buong gabi, na lungkot ang pumapaimbabaw sa isip ko. Ayoko na, ayoko na, ayoko na…

…Ngunit, may isang pangyayari sa buhay ko ang nagpapalakas ng pananalig ko sa Kanya. Kung bakit kahit gustung gusto ko ng sumuko, hindi ko magawa. Ang inspirasyon ko na patuloy na nag-aaanyaya sa akin na huwag na huwag akong susuko.

College pa lang ako, aking hinahangaan si Fr. Mario Sobrejuanite. Noon, nailipat ko lang sa Studio 23 ang telebisyon namin. Linggo ng umaga, naghahanap ako ng palabas na pupukaw sa akin ng atensyon. At napahinto ako sa Studio 23, at iyon, ay Sunday TV Mass. Siguro, dahil wala naman magandang palabas tuwing linggo, kaya naisip ko na manatili sa istasyong iyon. Isang bagay na nagustuhan ko sa kanya ay kung paano nya ipinababatid ang mensahe ng ebanghelyo. Kung paano nya isinasalaysay ang nais iparating ng Dyos sa atin. Nakaka inspire ang kung paano nya ito isalaysay. Mga kuwento ng kabutihang gawa ng Diyos.

Dahil sa taong ito, natututo akong simulan ang araw ng puno ng pag-asa. Ang mga nakakahangang kwento nya ang ginagawa kong inspirasyon kung bakit “wala akong rason para sumuko”.

Oo, pagod ako, gusto ko ng sumuko. Pero sa isip at puso ko, laging nangingibabaw ang nag-aalab na pagmamahal ko sa Kanya. Nakaugalian ko ng makinig sa mga gospel songs bago ako matulog. Dahil para sa akin, ito ay nagbibigay ng kapayapaan ng isip at puso. Na sa mga sandaling ang mundo ay tahimik, doon natin nakikita ang sarili. Ang mga kantang lumalatay sa aking pananampalataya.

Kaya, bakit ako susuko? Natagpuan ko na ba ang tunay na kaligayahan sa buhay? Tulad ni Hesus, hindi Sya sumusuko sa atin, kahit ilang beses na natin Syang tinalikuran, naandyan pa din Sya para sa atin.

Hayaan nyong tapusin ang blog na ito ng isang ads sa telebisyon. (Syempre, ang kwento ay hango kay Fr. Sobrejuanite).

May isang TV commercial na tungkol sa isang anak na tuwang tuwa na ipinapakita ang loob ng condominium nya sa kanyang ama. Maganda at elegante ang condo unit ng kanyang anak, kumpleto na halos ang mga kagamitan. Sabi ng kanyang ama:

‘ Anak, mukhang hindi mo na ko kailangan ha, may sarili ka ng bahay, condo unit pa!’ Sabi ng anak:’ Dad, may kulang pa, wala pa akong flat screen’.

Hindi natin maitatanggi na kailangan natin ang Diyos sa buhay. Kapag may gusto ka, ipinagdarasal mo. Ngunit hindi lahat ay maibibigay N’ya sa’yo. Bakit? Dahil alam N’ya ang nararapat sa’yo. Oo, ibibigay Nya ang kahilingan mo dahil alam Nyang ito ang nararapat sa’yo. Hindi, dahil may plano S’ya sa’yo. At ito, ang aking pinanghahawakan, sa pamamagitan ng matibay na pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya.

“Ask and you shall receive;

Seek and you shall find

And knock and you the door will open.”

Matthew 7:7-8

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s