A-List: Different means of Corruption

      Nitong mga nakaraang araw, may mga bagay sa isip ko na nagbigay ng mga ilang katanungan na tumutugon sa tawag ng moral at kunsensya:

Kapag ba umuwi ako ng maaga (kahit di pa oras ng uwian) ay masasabing masama ako? ( dahil buong araw ay nasa labas ako at may pagkakataong umuwi ng maaga).

Kapag may nagdonate at nakita kong magaganda at parang mamahalin ang mga relief goods, kukuha kaya ako?

Kapag ba, barya lang kinupit ko sa kita ng tindahan kurakot na ko?
 
      Muling bumalik sa akin ang sinabi ng dating kasamahan ko sa trabaho. Isang araw, may nagdonate ng book sa tindahan namin. Nakita namin ng lalaki kong kasamahan na ang ganda ng librong dinonate. Dahil sa ganda nito, nag unahan kami:

” Uy, akin ‘yan ha, wala ng aangkin.”

“Ey, sa’kin yan, mag-abang ka na lang ng magdodonate pa ng books.”

At lumapit ang isa pa naming kasamahan:

“Oops! Bawal ‘yan, conflict of interest ‘yan.”

   Bigla akong napahinto nun at naisip ko ang sinabi nya. Tama sya, bawal at ‘ conflict of interest’ nga naman.

    Nung 4th year high school naman ako, sa asignatura naming Ekonomiks, may sinabi sa amin ang teacher namin na hindi ko malilimutan:

“Ang pangongopya sa katabi  o kaklase ay isang paraan ng pangungurakot,  ( Dito nagsisimual ang maduming gawain) parang sa pangungupit ng barya, sa una, pa piso-piso lang ang kupit. Hanggang sa daang libo at milyong piso na ang mabubulsa”.

Nung elementarya naman ako, may isa namang kuwento ang Assistant Principal namin na guro ko sa History:

May isang batang babae ang lumapit sa kanyang Ina at nagsabing: Mama, wala na po akong lapis, wala na akong gagamitin bukas.
Ang sagot ng Ina: Ay naku Anak, wag kang mabahala, ikukuha kita bukas sa opis, isang kahon pa.

Nung Christmas party namin sa highschool, may nakita akong regalo na natanggap ng kaibigan ko na sa kabila ng pagkakaganda ng gift wrap at pagkalaki ng kahon, bumungad sa amin ang isang maliit na pabango. Sa pag-aakalang malaki ang nasa kahon, nadismaya ang kaibigan ko. Libre lang pala ang maliit na pabango na kalakip ng malaking pabango sa loob ng kahon. Saan napunta ang malaking pabango? Inamin naman ng ka-exchange gift ng kaibigan ko na kinuha nya dahil mahal naman daw ang pabango.

   Sa mga senaryong tulad nito sa ating buhay, minsan, natanong ba natin sa ating sarili. Kurakot din ba tayo?

    Para sa akin, dito na papasok ang tinatawag na ‘Conflict of Interest’. May mga bagay na sadyang takaw pukaw at nakakahumaling nag gusto nating angkinin ngunit hindi naman nararapat sa atin. Tulad na lang ng nangyayari sa gobyerno. Hindi ako naniniwalang mahirap ang bansa. Mayaman ang Pilipinas. Dahil na nga sa yaman nito, hindi maiiwasang may maantig o masilaw sa pera ng bayan.  Ang resulta, kabi-kabilang korapsyon at anomalya magmula sa maliit na unit ng pamahalaan ( barangay) maging sa punong ehekutibo ng bansa. Halimbawa sa munisipyo. Talamak ang lagay, o pampadulas sa madaliang proseso ng dokumentong kinakailangan. Kapag nahuli ang sasakyan mo sa EDSA dahil sa paglabag sa batas trapiko, silawan mo lang ng P500 o P300 mawawalang bisa ang violation mo.
     Hindi rin ba maituturing na kurakot ang taong nagpapadala sa pangungurakot? Naging kultura na ata ng  mga pinoy ang mga ganitong kalakaran. Kung sa bagay, kung ‘di ka maglalagay, aabutin ng siyam-siyam ang kailangan mo.

     Sa nangyayaring hearing sa kaso ni Napoles, para akong nanonood ng buwaya sa buwaya na nag momoro moro sa kural. Sila rin mismo ang naggigisa sa sarili nilang mantika.

   Binansagan sa isang magasin ang Pilipinas bilang pinaka kurap na bansa sa buong mundo. Dahil ang mga kurakot mismo, ay nasa kongreso. At agad namang bumwelta ang bansa dito. Mukhang nasapul sa bigat ng paratang. Ouch! Tagos sa heart ika nga. Guilty ata ang bansa natin sa pahayag na ito.

    Ang daming paraan upang masabing kurakot ang isang tao. Sa simpleng mga bagay na inaakala nating tama ngunit mali naman pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s