A-List: Alam kong Nakikinig Sya

Mahal ko ang Nanay ko. Kahit na minsan ay hindi kami nagkakaunawaan. ‘Di ko maiwasang maalala ang mga pangyayaring nararanasan ng Nanay ko sa mga panahong nangangailangan sya ng karamay sa kalungkutan at pag-iisa. Mag iisang buwan na nang hindi naging maganda ang samahan ng aking Ama at Ina. Hindi lumilipas ang linggo na hindi ko nakikitang umiyak ang Nanay ko. Nasasaktan si Nanay sa mga nalalaman nya. Na nagreresulta sa pagiging negatibo ng Nanay ko.
Bilang anak, nasasaktan din ako. Pero kibit balikat pa din ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw ni Nanay na mangialam ako sa kung anumang di pagkakaintindihan nila ni Tatay. Lumipas ang linggo, natagpuan ko si Nanay sa kuwarto ko, sugatan at may malaking pasa sa kanyang kaliwang mata. Pilit kong pinigilang umiyak. Nagpakatatag ako. Ayokong makita nila akong umiiyak. Ayoko ding magdagdag sa negatibong pananaw sa buhay ng aking Nanay.
      May nakapagsabi sa akin, na tumalon si Nanay sa bike na angkas sya ni Tatay. Nagtamo ng gasgas, pasa at malaking bukol si Nanay. Tinanong ko sya, bakit mo naisip gawin ‘yon? Ang sagot nya ay hindi nya na kaya. Dala na rin ng magdadalawang buwang hindi magandang samahan nila ni Tatay.
Nakakalungkot na malaman na sumusuko si Nanay sa nararanasang pagsubok. Biglang pumasok si Tatay at tinabihan si Nanay. Tinanong ko din sya kung ano ang nangyari. Sinabi ko sa kanya. Tigilan nyo na ito. Walang magandang kahihinatnan ang mga ito lalo na  kay Nanay. Natahimik si Tatay. Animo’y nagsisisi sa mga pangyayari. Ginamot ko ang sugat ni Nanay. Malalim at mahapdi ang mga sariwang gasgas na natamo nya.
      Isang bagay lang ang pumasok sa isipan ko. Unti unti ng nawawala ang pananalig nila sa Diyos. Hindi naisip ni Nanay na tumawag sa Kanya. Hindi ko na ito sinabi kay Nanay. Alam ng Diyos ang mga nangyayari sa buhay namin.
Sa ngayon, unti-unti ng bumubuti ang lagay ni Nanay. Gayon din naman si Tatay. Simula nung nangyari ang insidenteng yon ay hindi na umalis sa tabi ni Nanay. Alam kong may takot syang mawala si Nanay.

Malungkot man, ipinagdarasal ko sa mga oras na ito, na ipagkaloob ng Diyos sa pamilya ko ang kapayapaan at pagmamahalan sa isa’t-isa. Alam ko nakikinig Sya. At hinding hindi Nya ito ipagkakait sa amin.

Amen.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s