A-List: Ang Pagmamahal ng Isang Ina sa Kanyang Anak

    Nitong mga nakaraang linggo, madalas akong nakakakita ng mga bagay na nakakapag antig sa aking puso. At ito ay ang mga Ina na hindi napapagod mahalin ang kanilang anak.
    Dalawang Sabado na akong nakakakita nito, pagkatapos ng trabaho, sa daan pauwi.
    Una, pumukaw sa aking pansin ang isang Nanay na karga ang anak at nakaupo sa bangketa. Sa daang iyon ay madaming tao ang abala at halos di na napapansin ang mga nasa paligid nito. Ngunit pumukaw ito sa akin ng pansin. Isang Ina na bakas sa mukha ang hirap na dinadanas. Nakaupo sa maduming bangketa, karga ang isang musmos na bata. Tulala at parang may malalim na iniisip. Malungkot at parang luluha na. Bigla kong naisip si Nanay. Paano kung si Nanay ‘yon? Sasamahan ko ba sya sa dinadanas nyang pagdurusa? Habang nasa bus ako, tumatakbo pa din sa isipan ko ang nakita ko. Nangilid ang luha ko. Kung si Nanay ang nasa ganung kalagayan, hindi ako magdadalawang isip na damayan ko sya. Mahal ko ang Nanay ko at ayokong mag-isa sya sa pagdurusa. Nung mga panahong yon, taimtim kong dinasal sa Diyos na huwag pabayaan ang nakita ko sa daanan. Ipinagdasal ko na yakapin sila ng buong pagmamahal at araw araw na gabayan.
       Kahapon lang, pagsakay ko sa bus, isang tao ang bumulaga sa akin. Hindi pangkaraniwan ang makakita ng babaeng konduktor. May edad na din ang babaeng konduktor ngunit hindi mo makikitaan ng pagkahapo sa trabaho ang konduktor. Alisto, malakas at kaya pang makipagsabayan sa iba. Nang inabot ko na ang bayad, nakita ko ng malapitan ang hitsura nya. May mga puting buhok na sa gilid at may pagkakulubot na ng noo at pisngi nya. Sobra ang naisukli nya sa akin. Ngunit agad kong isinauli ang sobrang sukli. Bigla kong naalala ang nakita ko noong nakaraang sabado. Mabigat ang daloy ng trapiko kahapon.
       Nagkaroon ako ng pagkakataong magdasal. Na sana patuloy na gabayan sya at bigyan ng araw-araw ng lakas. Alam ko may mga anak sya. Ipinagdarasal ko rin na sana, ay mahalin nila ang Nanay nila.
      Naniniwala ako, na ang mga nakikita ko, ay mga pahiwatig na higit nating mahalin ang mga Nanay natin. Dahil hindi nating mahihigitan ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak. Kaya habang may pagkakataon tayong sabihin na:

Ma, I love you.
Ma, Ingat ka.
Ma, Huwag mong kalimutang kumain.
Ma, Iwasan mo na kumain ng kung anu-ano.
Ma, ano gusto mo?
Ma, ako na bahala dito.

Sa mga simpleng bagay na ito, malaking bagay na ang katumbas nito para sa kanila. Isang paraan ng pagsasabing, “Mama, mahal kita.”

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s