A-List: Patawad at Nakalimot Ako

   Noon, masaya ako kapag nasa bahay Mo ako.
  Pakiramdam ko ang gaan gaan ng loob ko.

Noon, kinakantahan pa Kita, minsan, binabasa ko pa ang mga Salita mo.

Noon, noong walang wala kami,
Masaya at kuntento na ako.

Dahil alam ko na hindi Mo kami pababayaan.

Noon, nung mga panahong nawalay ako Sa’ yo,
Masugid Kitang pinupuntahan sa bahay Mo.

Noon, kulang na lang tumira ako sa bahay Mo.
Dahil masaya ako kapag kapililng Kita.

Noon iyon…

Ngayon, di na Kita masamahan sa mga panahong nagdurusa Ka.

Ngayon, ang layo ng loob ko na sa Iyo.

Ngayon, ni sumaglit lang sa bahay Mo, hindi ko magawa.

Ngayon, madami na akong pagdududa sa Iyo.

Ngayon, halos wala Ka nang puwang sa buhay ng aming pamilya.

Ngayon, ni hindi ko makuhang sumaya dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko;
Pakiramdam ko kasi iniwan mo na ako.

Ngunit…

Napagtanto ko, na ako pala ang tumalikod sa ‘Yo.

Napag alaman ko na nagpadala ako sa mga mapangahas na makamundong pagdududa sa ‘Yo.

Napagtanto ko na hindi Mo naman ako iniwan, na andyan Ka lang, pinagmamasdan ako at ang pamilya ko.

Napagtanto ko, na hindi Mo naman ako kinalimutan, ako ang nakalimot.

Napagtanto ko, na sa mga panahong nalulungkot ako, Ikaw ang nasa tabi ko. Hindi ko lang pinapansin ang presensya Mo.

Patawad, nagkulang ako. Sana maintindihan Mo ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s