A-List: Jobless Road

      Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno ang mataas na unemployment rate ng ating bansa. Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may mataas na unemployment rate na may 7.5%
    Ngayong araw ng mga manggagawa, umabot ng 80,000 ang mga nag-siaplay sa mga job fairs, 6,000 or 16% ng mga nag siaplay dito ay Hired on the Spot (HOTS). Habang 40,000 naman dito ay pinababalik upang magexam/interview.
    Ayon sa isang political analyst, Isa sa malaking problemang kinakaharap ng gobyerno ay hindi balanseng paglago ng bansa at pagdami ng mga walang trabaho. Tinawag nya itong “jobless road”.
   Patuloy na sumisigla ang ekonomiya ng bansa ngunit hindi lahat o mangilan ngilan lang ang nakikinabang ng paglago nito.
   Karaniwan sa mga job fair ngayon ay mas pinipilahan ang mga call centers o BPO. Bukod sa may kalakihan ang sahod, isa ito sa mga behikulo ng paglago ng industriya dito sa bansa na nagbibigay ng malaking porsyento ng employment share.

    Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, kabi-kabilang kilos protesta din ang isinagawa ngayong araw. Merong nagpoprotesta ng pag umento sa sahod, meron ang tutol naman sa pagpapataw ng buwis sa mga minimum wage earners.
    Kung susumahin, taun-taon nang problema ito ng gobyerno. Ngunit sa kabila ng patuloy ng paglakas ng ekonomiya ng bansa, bakit hindi pa din madama ni Juan ang pag asenso?
    Kung kumikita ka ng 10,000 kada buwan at hahatiin natin sa dalawang cut-off, ano ang mabibili ng halagang 4,500(bawas na ang mga pangunahing kaltas ng gobyerno) sa panahon ngayon? Sabihin pa natin na may pamilya  ka na kailangan mong suportahan?
    Hindi rin halos maramdaman ang epekto ng magandang ekonomiya sa mga pangunahing bilihin ngayon. Patuloy pa nga ang pagtaas ng mga ito.
    Di ko maitatanggi, na may punto din ang boss ko sa sinabi nya noong nakaraang araw dahil napag uusapan nila ang rate adjustments ng mga tauhan ng kumpanya. Na: ” Bakit, parehas lang naman ang presyo ng corned beef dito at sa probinsya. Ang mga de latang pagkain, noodles, bigas etc.”
   Mangmang na akong maituturing, ngunit kung sino ang makapagsasabi sa akin ng mga rason kung bakit hindi nationwide rate ang ipanukala na lang sa mga manggagawa imbis na meron pang city rate and provincial rate ay magpapasalamat ako.
    Hindi na kasi kataka taka kung bakit maraming mga probinsyanong nagkalat sa Maynila. Na sa pag-asang may magandang buhay silang makukuha dito. Nagiging masalimuot na ang Maynila. Marumi, madaming tao na minsan ay maituturin na rin natin ang sarili na polusyon.
     Sa bandang huli, sabi nga nila, na sa kabila ng mga problemang dumarating, tayo pa rin mismo ang gagawa ng pagbabago. Tulad na lang ng kasabihang: “Nasa Diyos ang Awa, at nasa atin  (tao) ang paggawa.”
image

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s