A-List: Mama OLA

   Taal ako ng Marikina. Dito ako lumaki at nagkaisip. Isa sa mga saksi ng aking paglaki si Mama OLA.
    Kapag nagdarasal ako, lagi kong sinasambit na gabayan ako ni Mama OLA saan man ako pumunta. Sa mga panahong nangangailangan ako ng patnubay sa mga desisyon sa aking buhay, si Mama OLA ang aking tinatakbuhan sa pamamagitan ng pagdarasal.
     Naaalala ko pa, nung kami’y malipat sa Concepcion, dumarayo pa ko ng pagsimba sa OLA para lang doon makapagdasal.
     Gabi-gabi, nadaraanan ko ang dambana nya. Ganoon din kapag ako ay papasok na sa trabaho.
    May panahon na lugmok ako, malungkot ako, natatakot ako na minsan ang nasasabi ko na lang, bakit ganoon na lang ang mga nangyayari sa akin? Nasasabi ko na lang, Mama OLA, ‘kaw na po bahala.
    Ngayong kanyang kapistahan, gaya ng dati, aking kahilingan na sana, hindi nya pa rin ako pababayaan. Alam ko na naririnig nya ang mga dalangin ko. Na sana, kasama ko pa rin sya sa aking pagtanda. Na patuloy nya pa rin akong kupkupin sa mga panahong ako’y naninimdim.

Amen.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s