A-List: Wag kang Matakot, Kasama ka Nya

   Sa loob ng 5 araw na sunud sunod akong nasa paglalakbay, kahapon lang ako nakaramdam ng takot. Nang mag isa na lang ako patungong Pangasinan (Probinsya ng aking Ama) bumalik ang pangambang hindi na ako makabalik.
     Naglalakbay ako patungong Calasiao ng sumagi sa isip ko ang aking pamilya, mga kaibigan. Naisip ko, kumusta na kaya sila. Habang tinatahak namin ang daan, na napapalibutan ng mabeberdeng palay, nakaramdam ako ng takot. Kung sa bagay matagal tagal na din akong di nakakapunta ng Pangasinan. Ang Ama ko ay tubong Lingayen, isang bayan sa Pangasinan. Halos higit isang dekada na akong di napapadpad sa lugar na ito. Siguro, iba pa din kasi ang madalas na lugar na napupuntahan mo.
    Gabi na ng makarating na ako sa Dagupan. Halos, pasara na ang ibang establisyamento sa lugar. Nang makilala ko ang isang babae na madali kong nakasundo. Nakikita ko sa kanya ang aking Ina. Salamat sa Diyos at pakiramdam ko ligtas na ako. Bukod sa hindi ako marunong mag panggalatok, ay halatang taga Maynila ako dahil sa matatas na pagtatagalog ko.
     Hindi ako pinabayaan ng babaeng iyon, empleyado din sya ng aming kumpanya. Hinatid ako sa hotel na pinagtuluyan ko. Nilibre pa ako ng hapunan at bago umalis ay tanghalian. Masaya akong nagpaalam ganoon din naman sya. At taos puso akong nagpasalamat sa kanyang kabutihan.
     Naisip ko, napakabuti talaga ng Diyos, hindi Nya ako pinababayaan. Sa limang araw ng aking paglalakbay, kasama ko Sya sa pamamagitan ng mga taong ginawa Nyang instrumento upang protektahan ako.
    Hindi biro ang maglakbay mag-isa. Nakakaburyong, nakakainip at nakakalungkot. Mahirap dahil mawawalay ka sa pamilya at mga kaibigan mo. Ngunit sa aking paglalakbay, nasaksihan ko ang kabutihan ng Diyos. Na kahit saan man ako magpunta, alam ko, kasama ko Sya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s