A-List: Para Kanino ka Bumabangon?

“Alas singko na! Bangon na!” Nagpupumiglas na ingay mula sa alarm clock. Gigising ako ng maaga para makapaghanda na pagpasok. Minsan, ini snooze ko pa ang alarm clock hanggang abutin ako ng alas sais. Hanggang sa nagmamadali na akong kumilos. Mag aabang ng jeep papasok, iiwas sa EDSA para iwas trapik at mag-ta time-in sa opisina. Buong araw paperworks, meetings, brain storming. Minsan, bago pa umuwi kakain sa labas kasama ang mga kaibigan o katrabaho. Uuwi ng bahay at magpapahinga.
    Ganito ko maisasalarawan ang araw-araw na pamumuhay ko. Parang routine na. Gigising ng maaga upang hindi ma- late sa trabaho, makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko. Minsan, tinatamad pa akong pumasok lalo na kapag maulan. Ang sarap kasing matulog kapag maulan. Ngunit, minsan napaisip ako, bakit ko ito ginagawa? Para kanino ko ito ginagawa?
   Naalala ko tuloy ang isang patalastas sa telebisyon ng isang brand ng kape na laging nag-iiwang tanong sa dulong bahagi ng ad:
“Para kanino ka bumabangon?”
Para kanino ba tayo gumigising? Alam ko na madali ang kasagutan dito. Maaaring sabihin nyong dahil sa pera. Na kinakailangan nating maghanap buhay para kumita at may maipakain sa pamilya. 
  Ngunit ito na lamang ba ang dahilan kung bakit tayo bumabangon ng maaga? Para sa akin, may 3 bagay ang paggising ko ng maaga.
   Una, higit sa pera, ang pamilya. Dahil isang bagay kung bakit ako gumigising ng maaga ay nang mapunan ko ang pangangailangan ng aking pamilya, ng aking magulang.
   Ikalawa, para sa sarili. Isa sa mga hamon sa tulad ko ay makapag ipon at makapagpatayo ng isang bahay. Mithiin din ito ng aking pamilya at mithiin ko rin ito.
   Ikatlo, sa mga taong nakapaligid sa akin. Ang makapagbigay ng tulong at dunong sa mga kaibigan at katrabaho.
   Lahat ito, kung susuriin natin, hindi pera ang pinagmumulan nito. Kundi pagmamahal na mapasaya at magampanan ang layunin natin sa buhay.
    Isa rin itong layunin na kung saan by nature, ang pagmamahal ang siyang nagtutulay sa mga tao kung bakit patuloy tayong nagtatrabaho. Kung wala ang pagmamahal, walang saysay ang paghahanap buhay, gayon din ang pagbangon ng umaga.
   Kaya napakamakahulugan ng mga katagang iyon, may mas malalim lang pakahulugan depende sa ating pananaw sa buhay. Kaya ang tanong ko rin sa inyo:” Para kanino ka bumabangon?”

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s