A-List: Kung Nabubuhay pa Kaya Sila?

  Ngayon ipinagdiriwang ang araw ng mga bayani o National Heroes Day. Dito sa araw na ito ginugunita ang kabayanihan ng mga Pilipinong nakipaglaban para sa bayan. Naging malaya tayo dahil hindi nagpalupig ang mga bayani natin laban sa mga mananakop. Binuwis nila ang buhay nila para sa Inang bayan. Ngunit sa modernong panahon ngayon, proud pa ba tayong maging Pilipino?
    Sunud-sunod ang problemang dumarating sa ating bansa. Ang mga anomalyang paggamit ng pondo ng bayan, ang walang katapusang problema sa transportasyon at trapiko, ang pagtaas ng mga bilihin, pagdami ng mga walang trabaho at marami pang iba. Marahil ang iba sa atin ay hindi na natutuwa sa kalagayan ng bansa ngayon. Mas maraming naghihirap, ang iba, lalong yumayaman ng walang paghihirap. Na ang ugat ng lahat ng ito ay nasa sistema ng pamamalakad ng gobyerno. Magmula sa maliit na yunit ng lipunan hanggang sa mataas na lebel ng pamahalaan.
   Dahil dito, napaisip ako, kung nabubuhay pa kaya ang mga bayani natin, ano kaya ang masasabi nila o reaksyon sa kalagayan ng bansa natin?
    Malamang, si Rizal, hindi lang isa o dalawang aklat ang maisusulat nya na kung saan dito nya ibinubuhos ang hinanakit at paghihimagsik laban sa mga trapo ng lipunan. Baka hindi lang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang naisusulat nya kundi marami pang kagaya nito.
   Magdedeklara naman ng himagsikan si Andres Bonifacio laban sa umano’y mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Mabubuhay ang mga Katipuneros at susugod sa mga Kapitolyo ng mga probinsya.
  Gayon din naman sina Emilio Aguinaldo, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Tandang Sora at iba pa.
   Kung ako ay isang bayani tulad ng aking mga nabanggit, siguro, magsisisi ako kung bakit ko pa pinagtanggol ang ating bansa. Sa kadahilanang masakit malaman  na ang kapwa mo Pilipino ang nanlulupig sa’yo. Sa paraan ng pangungurakot, pananamantala, pananakit at kung anu-ano pa. Na sana, hinayaan ko na lang magpasakop sa mga banyaga. Baka sakali pang umunlad ang lupang pinaglaban.
   Noon pa man, ang Pilipinas na ang itinuturing Sick Man of Asia mula noong nagkaroon ng financial crisis na ang Pangulo noon ay si Joseph Estrada. Noon pa man may mga personal na agenda na ang mga namumuno ng bansa mula kay Marcos hanggang sa kasalukuyang administrasyon.
   Kung nabubuhay pa kaya sila (mga bayani natin), ano kaya ang magiging reaksyon nila? Manlulumo ba sila sa mga nakikita nila?
   Kung nabubuhay pa kaya sila, ano ang gagawin nila upang mabago ang sistema?
   Ngayong araw ng mga bayani, sana maisip natin ang kahalagahan ng pagiging isang bansa. Bansang itinaguyod ng ating mga bayani.
   Ikaw? Masasabi mo bang bayani ka? Sa anong paraan ka naging bayani? At ano ang sa tingin mo ang dapat mong gawin upang magkaroon ng pagbabago sa ating bansa?
  

  

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s