A-List: Pagsundo

Nitong nakaraang linggo, isang pangyayaring hindi ko malilimutan. Nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaansa pagitan ko at ng ilan kong samahan sa trabaho. Hindi ko maunawaan bakit kailangang humantong pa sa ganoong pangyayari.
  Mga masasakit na salita ang mga narinig ko: “Ga** ka! A** hole ka! S*** ka! Wala ka palang *****!” Na sabayan pa ng mga pag aagam-agam at pagdududa.
  Masakit at lalong sumasakit ang puso ko sa mga nasasabi at mga naririnig ko. Simula noon ay nagbago na ang lahat. Hindi ko na malaman kung sino ang tunay kong kaharap. Napatanong ako sa sarili:” Bakit ganoon na lang ang nangyayari?” Sa kabila ng lahat ng pagtitiwala at pagpapakumbaba, nabale wala na lang ang lahat.
     Isang gabi, sa aking pagmumuni-muni, sa aking paghahanap ng mga kasagutan, naisip kong manood ng isang video ng pangangaral ni Cardinal Tagle. Isang beses naimbitahan syang magsalita sa mga graduate ng UP Manila. Ang tema ng naturang pagtatapos ay daan sa mapagkakatiwalaang manlilikod ng bayan. Maganda ang mensahe ni Cardinal, na ang pagtawid sa panibagong daan sa buhay ay isang ‘krisis’ na ang ibig sabihin ay hindi problema kundi isang pagpapasya. Pagpapasya sa ikabubuti ng lahat. At isa sa mga bagay na dapat isabuhay sa pagpapasya ay ang pagpapaimbabaw ng katotohanan o ‘truth’. Ang katotohanan ay isang koneksyon, relasyon, ugnayan sa pagitan ng mga tao. ‘Truth’ is a quality of relationship’ sabi ni Cardinal Tagle. Alam natin na mapagkakatiwalaan natin ang isang tao dahil alam natin na sya totoo sa sarili at sa kanyang kapwa. Ngunit, ang kaakibat ng pagsabi ng katotohanan ay ang pagtitiwala o ‘trust’.
   Sa panahon ngayon, mahirap hanapin ang ‘trust’ sa kalagayan ng ating lipunan. Maraming pag- aagam-agam na nagdudulot ng baluktot na kaisipan. Na ang tao ay hindi sapat na maniniwala sa gawain ng gobyerno o ng kapwa nya. Ang tawag naman sa mga taong may ganitong pag-iisip ay post-modern mind.
   Bigla kong naisip ang kasamahan ko na nagkakaroon ako ng alitan. Isa rin kaya syang maituturing post-modern man?
Isang araw, nakipagusap ako sa ibang tao upang klaruhin at ayusin ang anumang sigalot sa bawat partido. Buong pagpapakumbaba akong humingi ng paumanhin sa anumang bagay na maaari kong naidulot na masama. Ngunit, doon sa mismong tao na may matindi akong alitan, ako ay lumapit at humingi ng kapatawaran. Sa kasamaang palad, nakarinig pa din ako ng mga masasakit na salita:”A**hole ka, (animal) ka. You are pretending that you are citizen of God, f*** ka, alam ko na totoo mong kulay…” at marami pang higit na masasakit na salita maliban dito. Masakit man ngunit tinanggap ko lahat ito at hindi nagpakita ng anumang negatibong reaksyon ukol dito.
  Agad naman akong pinabalik ng aking boss sa opisina at sila muna ang mag uusap. Habang pabalik sa opisina, di ko mapigilang lumuha.
  May mga bagay akong gustong liwanagin:
   Una, ang ‘trust issue’. Masakit malaman na ang pinagkatiwalaan mo ang syang iiwan sa’yo.
  Ikalawa, ang reactive disposition matapos malaman ang lahat. Lahat ay nag uugat sa mga padalos dalos na disisyon dala ng kainitan ng ulo ng hindi man lang dumaan sa maayos na proseso.
Ikatlo, ang hindi pagtanggap ng kapatawaran o ‘apology’. Bakit ayaw tanggapin kung maliit na bagay lang naman? Sabi nga ng iba, petty issues lang ito at hindi na kailangan palakihin.
   Lalong lumalala ang mga ito sa mga taong ‘higit mong pinagkatiwalaan ngunit isasambulat nila ang mga sinabi mo sa kanila’.
    Masakit, masakit at lalo pang lumalalim ang sugat na nararamdaman ko. Para bang kay bigat ng mga nangyayari. Nasaan na ang pagpapatawad? Ang tiwala? Ang pagpanig sa katotohanan na may gustong umayos ang lahat?
    Kahapon, sabado, pagkagaling sa trabaho, tumungo ako sa simbahan upang magsimba. Maganda ang mensahe ng ebanghelyo at ito ay tungkol sa pakikipagkasundo. Kapag tayo ay may nakaalitan, madalas pang sabihin sa atin ang mga katagang:” Whatever, Shut Up at kung anu-ano pa. Gaya na lamang nang nangyari sa akin. Buong pagsusumamo akong humingi ng kapatawaran sa anumang naidulot kong kasalanan sa kanila ngunit kung anu-ano pa ang narinig ko at nadadawit pa ang pagiging kristiyano ko.
   Dahil dito, may tatlong bagay ang pakikipagkasundo, sa kristiyanong pamamaraan:
   Una, ang magkasundo. Mag usap ng sarilinan, ng dalawa lang sa pagitan mo at ng taong nakaalitan mo. Sa ganitong sitwasyon, ang susundo pa mismo ay ang taong naapektuhan sa nangyari. Sa ganito ring paraan, ang sumusundo ay ang nais ay ituro sa tamang direksyon ang lahat.
   Ikalawa, magtawag o magsama pa ng isa o dalawang tao na sasaksi sa pagkakasunduan. Sila ang magpapatunay ng sinseridad sa pakikipagkasundo.
  Ikatlo, idaan ito sa isang pagtitipon sa misa o simbahan. Ilapit natin ito sa Kanya upang sya mismo ang mamagitan.
   Sabi nga sa misa, na sa bawat taong nagkakaroon ng alitan at nag-uusap, naroon si Hesus at namamagitan.
   Sa aking sitwasyon, humantong na ako sa ikatlong yugto. Ipinapasa Diyos ko na ang lahat sa anumang maaaring mangyari sa akin. At patuloy ko pa ring hangad ang magkasundo kami.

Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s