A- List: Iniisip Nya rin Ako

    Hirap na ko kakaisip. Kakaisip ng mga bagay na bumabagabag sa akin. Hindi ko na alam kung ano na ang susunod na mangyayari. Ang hirap pala ng ganito. Hindi ko masabi kung hanggang kailan na lang ang lahat. Mahirap ang ganitong pakiramdam.
     Iniisip ko, sana parang normal pa rin ang araw at ang mga dadaan pa. Pero mahirap pala. Ang ganitong pakiramdam na parang labi na lang ang mga araw ko. Oo, ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko masabi ang totoong nararamdaman ko. Halong takot at kaba. Halong pag iisip na paano na pamilya ko?
    Maaaring masyado akong nag iisip. Ngunit hindi ito maiiwasan sa taong may mabigat na pinagdadaanan kagaya ko.
  Kung huling blog ko na ito, may mga ipagbibilin lang sana ako sa Kanya.
   Sana, huwag Ninyong pababayaan magulang ko. Alam ko magiging masalimuot ang buhay nila kapag nawala ako. Sana po wag Nyo silang iwan at pababayaan. Ang pamilya ko na kahit anuman ang mangyari sa akin, lagi silang nasa likod ko.
   Sana, kung anuman ang mga nagawa ko sa kapwa ko, mapatawad Mo ako.
   Anuman ang niloloob ng Diyos sa akin, handa ko itong tanggapin. Buhay ko, sana ay matanggap Niya. Kay Mama OLA, na laging sumususbaybay sa akin. Ang lahat ng ito, ay idinadalangin ko, Sa’Yo.

Amen.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s