A- List: Ang Kanyang Pagtawag

   Itong araw na ito, gumising ako ng para bang may nakalimutan akong gawin, na para bang may kulang ngayong araw. Nalulungkot ako, mag-isa ako, hindi ko mawari ang aking sarili. May gusto akong puntahan ngunit parang malapit lang. Naisip ko si Hesus. Kanina pa tumatakbo sa isipan ko si Hesus. Nitong hapon lang, dala ng pagkalumbay, ninais kong magkulong sa bahay. Tahimik, at nanonood ng Kape’t Pandasal para sa ngayong araw at misa ni Fr. Mario sa youtube, kaninang umaga, tinitingnan ko mga facebook account ng mga seminarista ng aming parokya na  napapaisip ako, anong buhay meron ang isang seminarista? Paano nila nakikita si Hesus? Nakaugalian ko na ito na manood ng mga ganito. Marahil ito ang aking inspirasyon, motibasyon sa araw- araw.
    Malungkot ang araw ko. Di ko malaman kung bakit, bakit ako nalulumbay? Hanggang sa isa kong kaibigan ang nag message sa akin. Kinumusta nya ko. Sabi ko, malungkot ako. Sabi nya wag akong maluungkot, may nabasa daw syang mga kataga na nagsasabing the hardest battle  in life are given to the strongest soldier of God. Bigla akong naluha, yung tipong, nailabas ko ang bigat ng damdamin ko na dinadala. Mapag ipon kasi ako ng hinanakit, minsan, sa aking sarili lang ang mga ito. Tinatanong ko ang Diyos, bakit ako malungkot  ngayong araw na ito? Kaya naisip kong kausapin ko Sya. Sana, sa aking pakikipag usap sa Kanya, mabigyan Nya ako ng liwanag at kasagutan sa aking mga katanungan. Sa Kanyang pagtawag, sana ay maliwanagan ako at madama ko ang malalim na ugnayan ko sa Kanya. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s