A-List: Nakakahawa ang Kabutihan

  Isang linggo na naman ang lumipas at huling araw ng pasok para sa karamihan. Lahat ay nagmamadaling makauwi sa kanilang mga tahanan. Tulad ng iba, nais ko na ding makauwi ng maaga. Alam kong traffic ngayon kaya dali- dali akong sumakay ng jeep pauwi. Maluwag sa gawing kanan ng jeep at tanging apat na tao lang ang nakaupo sa dulo kaya doon ako pumuwesto. Nang iaabot ko na ang bayad, sumabay sa akin ang isang lalaki ng pagsabing:” Bayad oh”. Parang chorus ba. Nainis ako noong mga oras na iyon. Sabi ko sa sarili ko:” Nakakainis! Di man lang maghintay pa ng ilang pasahero para doon ay ipaabot, nasa gitna ako nakapwesto kaya napilitan akong lumapit sa harapan. Medyo madilim sa loob ng jeep at tinignan ko ang lalaking nag abot ng pamasahe. Pamilya pala sila, pero naiinis pa rin ako. Ni hindi man lang nagpasalamat matapos kong iabot ang bayad at sukli. Bago pa nito  nainis na din ako sa jeep na sinakyan ko. Uupo sana ako sa harap pero ayaw akong paupuin dahil puno ang harap pero iisa lang ang nakaupo. Madaming dalang bag ang lalaki sa harapan, maaaring binayaran nya ang pwesto sa harap.
   Sadyang naiinis ako sa mga kaganapan sa jeep. Kung tutuusin, maliit na bagay lang naman ito. Traffic, inis, ngunit nandoon ang pagtitimpi. Hanggang sa mapuno na ang jeep at wala ng bakante sa loob. Naupo ako malapit sa dulo. Hanggang sa may sumabit na isang matandang lalaki sa jeep at may mga dalang pinamili nya nang biglang kumilos ang katabi ko sa dulo at sinabi sa matanda:” Tay, dito na po kayo, ako na lang sasabit.” At umupo na ang matanda at sumabit na ang lalaking katabi ko. Napakagaling talaga ni Lord, una, asar na asar ako, ngunit nawala ito dahil sa nakita ko sa jeep. Inalok pa ng matandang lalaki ang lalaking sumabit:” bayaran ko na lang pamasahe mo.” At tugon ng lalaki:” Wag na Tay, bayad na po ako”. Nang may bumaba na, ang isang katabing lalaki na sumasabit din ay inalok ang lalaki na pumasok na sa loob ngunit sinabi nyang malapit na din ako.
    Nakakapagod man ang ating araw at nakaka stress, nakakatuwa na makakita ng mga ganitong pangyayari. Na sa mga panahong ito, may mga tao pa ring mapagbigay at marunong umunawa. Maliit na bagay ngunit nakakahawa. Kaya sa mga susunod na araw, ating pagnilayin, anong maliit na bagay o kabutihan ang nagawa mo sa kapwa mo? Maliit man, tandaan mo din, na ang Diyos, sa mata nito ay isang malaking bagay.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s