A-List: Masaya Ka Ba?

Noon, hindi ko pa maintindihan ang lahat. Bakit kami nasa dagat. Bakit ako hindi madalas ngumingiti sa litrato. Hindi ko talaga maintindihan. Hanggang sa lumaki na ako. Marami nang nagbago. Mula sa pagiging tahimik at walang muwang sa paligid hanggang sa maingay at pa minsan minsa’y mainitin ang ulo. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit ako nasa dagat, kung bakit ako hindi ngumingiti sa mga litrato noon. Kay sarap balikan. Naisip ko, kumusta na kaya ako sa mga lumang litrato na kung saa’y bakas ang inosenteng pagmumukha. Kumusta ka na ala-ala? Sana noon, naunawaan ko na ang lahat. Kapag nagkita ba tayo sa panahon mo dati, makikilala mo kaya ako? Ako ‘yung sa kasalukuyang panahon ngayon.. sana maikuwento mo lahat sa akin, sana maitanong mo ang lahat sa akin. Kung bakit ako ganyan dati. Gaya din ng sa’yo, tanungin mo din ako. Kuwentuhan mo din ako. Masaya ka ba? Naging masaya ka ba?
  Kay sarap talagang balikan, ala-ala ng nakaraan. Kung may pagkakataon lang na bumisita ang batang ako sa kasalukuyan, gusto ko, tanungin nya ako, kumusta ka na? Masaya ka ba?

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s