A-List: Sa Ating Paglisan

    Sabi nila, sa buhay natin, “people come and go”. Sa bawat pag-alis, may halong hinagpis. Sa bawat pagdating, may siglang dala. Mabilis ang mga oras, panahon na kung saan akala natin ay magtatagal. Nitong araw lang ay ang paglisan ng aking Tita pabalik sa kanyang trabaho sa Hong Kong. Ngayong gabi din ang flight nya. Habang nagbabasa ako ng article sa cellphone ko, narinig ko ang Papa ko na kausap sya. Umiiyak sya. Siguro namimiss nya agad ang pamilya nya. Ngunit ganoon ang natural na pakiramdam ng isang taong nangungulila sa kanyang pamilya. Hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa at lalo na kung malayo ka sa iyong minamahal.
   Ngunit, may dahilan ang bawat pangyayari sa ating buhay. Kung bakit ito nangyayari sa atin. Ito ay dulot ng kanyang ‘pagmamahal’. Pagmamahal sa kanyang pamilya. Masakit man ngunit kailangang lumisan.
   Mas masakit siguro ‘yung hindi ka man lang nakapag paalam. Mas masakit ‘yung hindi mo kan lang nasabi ang gusto mong sabihin. Kaya kung may pagkakataon kang sabihin mo sa mahal mo sa buhay gaya ng ‘mahal kita’, sa mga magulang, kapatid, kamag-anak o kaibigan, sabihin mo. Dahil tandaan, na sa bawat paglisan, may halong hinagpis ito. Kaya upang mabigyan natin sila ng kahit kaunting kasiyahan, kung may pagkakataon ka, magpaalam ka, sabihin mo ang gusto mong sabihin. At laging ipagdasal ang kanilang paglalakbay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s