A-List: Pananatili

   Aaminin ko, madali akong lumuha, umiyak, dumalamhati. Lalo na kung ang sanhi ay ang paglisan. Madalas tayong umiiyak, kapag nakakaranas ng malungkot at masakit na tagpo sa ating buhay. Ngunit sa mga tagpong aking hindi ko malilimutan; na nagbibigay ng matinding sakit, pagkalumbay, ay ang paghihiwalay.
   Halos limang taon na, noong ako ay makaranas ng paghihiwalay. Naalala ko pa noon, galing sa trabaho, naglalakad patungo sa bahay ng isang tricycle ang dumaan sa aking harap, tinawag ang aking pangalan, nasulyap, sumaglit, nasilip ko ang Lola ko. Ayun na pala ang huli naming pagkikita. Pagkadating sa bahay, sinabi sa akin ng Mama ko, ililipat na si Nanay (Lola) sa ibang bahay. Pumatak ang luha, umagos ang patak sa dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang ganoong tagpo. Ang tanging nararamdaman ko lang, ang sakit, tagos sa puso ang kalungkutan. Ilang linggo ko ding iniisip si Lola. Sa bawat pagtawag ko sa kanya, hindi makalimutang magsabing miss na kita Nanay.
   Ganoon kapait ang paghihiwalay. Masalimuot, maramdamin, nakakapanibago. Hindi handa ang aking sarili sa mga ganitong tagpo. Hindi ko iniisip ang bawat takdang paglisan. Hanggang sa paghantong ng araw, doon, taglay ang silakbo ng damdamin, sasabay ang pag-agos ng mga luha. Nakaka trauma, ang hirap pala. Una ito sa mga masasakit na paghihiwalay na tagpo sa aking buhay.
   Ngayong linggong ito, naulit ang tagpong ito. Gaya ng dati ay hindi ko iniisip ang nakatakdang paglisan. Ngunit kahapon lang, doon, doon pala; ang araw ng aking pagdaramdam. Ang paghihiwalay sa aking pinakamamahal na pamangkin, kasama ang aking kapatid. Ang sakit na umiral noon, ay umusbong na para bang nagsusumamong kumawala sa naninikip  kong dibdib at naniningkit kong mga mata. Ang buong gabi ay nabalot ng pagkalumbay. Walang patid ang pag-iyak, ang sakit na nararamdaman.
Gumising ako, madilim ang kalangitan, tila ba, nakikiramay sa kalungkutang nararamdaman.
Miss na miss na kita, ganito ang dulot mo sa amin.
   Sa kabila ng ito, lagi kong isinasaisip, na ito ay kagustuhan ng Diyos; alam kong may maganda Syang plano sa aming lahat. Alam ko, sa paghihiwalay, doon uusbong ang pagsasama; sa paglisan, doon ay babalik ang pagmamahalan bilang isang pamilya. Isang pananatili, isang pagkukubli bilang matatag na pamilya. Salamat sa pananatili, salamat sa pagdamay sa panahon ng aking kalungkutan. Hinding hindi ko makakalimutan, ang tagpong ako ay paalis ng bahay, malungkot at may dinadala, agad mo akong tinawag sa aking pangalan, ‘yun ang unang beses na marinig ko ang pangalan ko na sinabi mo, at sinabi mong ‘kiss’. Lumapit ako at hinalikan mo ako sa pisngi. Nung panahong iyon, alam ko, alam mo at alam ng Diyos, ang nasa loob ko. Maraming salamat. Sa muli nating pagkikita.

image
IJONG AT AKO

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s