A-List: Iesu Panis Vitae

May isang pari na namumuno sa isang mission district sa Mindanao. Layunin nila na maalagaan nila at matugunan ang mga pangangailang pangkalusugan at edukasyon ng mga maralitang bata. Sa dami ng mga batang kanilang inaaruga, humantong sila sa puntong wala na silang bigas para mapakain sa mga bata. Ngunit sa tiwala at panalangin, may isang may magandang loob na nagbigay ng isang kabang bigas. Galing ito sa isang nagbebenta ng mga bigas. Kaya laking tuwa ng mga misyonero roon.
   Sa ating pagbasa ngayong araw, Muling ipinakita ni Hesus ang pagiging mapagkawang gawa na may pagbibigay ng grasya sa mga nagugutom. Kanyang pinarami ang tinapay at isda sa limanlibong tao na sumunod sa Kanya.
   Sa panahon natin ngayon, paano ba natin ipinamamahagi ang biyayang ipinagkakaloob ng Diyos? Tulad ni Hesus, ang Kanyang kabutihan ang Siyang nagdudulot ng pagmamahal, pagtitiwala sa Kanyang mga taga sunod.
   May isang tagpo sa aking buhay na di ko inaasahang makukuha ko. Sa kaarawan ng aking boss, may pa raffle na idinaos at ang mga mabubunot ay makakatanggap ng P500.00. Hindi ko inaasahan na ako ay isa sa mga mabubunot kaya laking tuwa ko noong ako ay nabunot. Ngunit hindi lang pala ako ang dapat makinabang sa napanalunang iyon. Inudyok ako ng mga kasama ko na ilibre ko sila. Sa halagang P 500.00, ang tanong ko, kakasya ba ito? At wala akong nagawa, sabi ko na lang sa sarili ko, ang Diyos na ang bahala sa akin. Pero, sa gulat ko din, napagastos lang ako ng P200.00. May sukli pa akong P300.00. Nailibre ko ang aking 7 kasamahan noon at sa tiwala ko sa Diyos, may sukli pa ako.
  Kay buti talaga ni Hesus, kay buti talaga ng Diyos. Kaya bilang pasasalamat sa Kanyang paggabay at pagbibigay ng pagpapala sa aking pamilya, tuwing linggo ay nakikilahok sa banal na eukaristiya, sa misa. Kaya ‘wag tayong mahiyang lumapit sa Kanya, ‘di Nya tayo pababayaan. Sapagkat Sya ay Tinapay ng Ating Buhay. Amen.

image

Posted from WordPress for Android

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s