A-List: Lord

   Isang gabi, pumunta ako sa Adoration Chapel. Doon kinausap ko Sya ng taimtim. Nagkwento ako sa Kanya. Sabi ko, Lord, naalala ko, noong Championship na ng Purefoods at Alaska Aces sa PBA, game 7. Sa isang portion sinabi ng host ang mga preparasyon ng mga coaches sa huling araw ng game. Yung coach ng Purefoods pumunta ng Simbahan kasama ang kanyang asawa at nagdasal. Yung coach naman po ng Alaska Aces normal na araw lang at pumunta na lang sa Araneta Coliseum para sa laban. Sa bandang huli, nanalo Alaska Aces laban sa Purefoods.

Naalala ko rin po noong mga panahong naghahanap ako ng trabaho. Niyaya ko kaibigan ko na maghanap ng trabaho. Sa bandang huli, sya pa yung nakapasa at nakapasok ng trabaho.

Lord, iisa lang naman kahilingan ko, sana po, matulungan Nyo po ako sa isang pagsusulit. Ayokong bumagsak po. Pero masakit man, kung hindi po naaayon sa kagustuhan Nyo po, tatannggapin ko po. Naalala ko lang noong mga panahong ang dami ko ng pinag aplayan ng trabaho noon. Halos lahat bagsak ako. Hindi ko makuha gusto ko. Nagdamdam ako noon at alam Nyo po iyon. Ngunit humantong ako sa puntong nasabi ko sa sarili ko, Bahala Ka Na. Kung sa akin ito, sa akin. Pero di Mo pa rin ako binigo. Nakuha ko ang mas mataas na posisyon sa trabaho. Matagal bago ko makuha pero sa Iyong panahon ibinigay Mo pa din.

Lord, naaalala ko, noong mga panahong, lugmok ako sa isang isyu na kinasangkutan ko. Halos araw-araw ‘di ko alam gagawin ko. Ngunit sa tulong ni Inang Maria, naiparating nya sa Inyo ang mga dalangin ko at pagdulog ng tulong mula sa Iyo. At simula noon, hindi na natapos iyon. Kapag bumibyahe ako, kapag wala na akong pera, bigla Kang gagawa ng paraan. Kapag nalulungkot ako, gagawa ka ng paraan para mapasaya ako. At magpahanggang ngayon, sobra-sobra Po ang biyaya na pinagkakaloob Mo sa akin.

Lord, natatakot ako. Baka kasi sa kahilingan ko na ito, baka mabigo ako. Ngunit sabi ko nga po kanina, kung ano po ang maging desisyon Nyo, kahit sa una ay masakit kung sakaling hindi po para sa akin, unti-unti ko pong tatanggapin ito.

Lord, walang hanggan akong nagpapasalamat sa Iyo. Alam ko maraming beses na Kitang binigo, pero ako, di Mo po ako binibigo. Kahit matagal ang pagdating ngunit sa huli, nakukuha ko pa rin. Kaya Lord, Ikaw na po bahala sa akin. Amen.

image

Posted from WordPress for Android

Advertisements

One thought on “A-List: Lord

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s