Blindness

Minsan, napapaisip ako, ayoko ng masaya. Kasi nandoon ang takot ko na baka bukas kasi may hindi magandang mangyari at malulungkot ako. Madalas, sinasabi ko sa sarili ko, Lord, bakit ang biyaya mo sobra sobra, natatakot ako baka kinabukasan, o sa mga susunod na araw bawiin mo, malulungkot ako.

Ngayong linggo, dumating na nga ang kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung magsasawalang bahala ako sa mga nakikita ko. Malala na pala ang kalagayan ng Lola ko. Bilang isang apo, ayokong makialam sa anumang desisyon ng mga anak ng Lola ko. Pero parang nagmimistulang malabo ang lahat. Alam ko, hindi naaayon ang pagsawsaw sa usaping pang matatanda ngunit kung nangangailangan na ng pagpuputol at paggigitna sa mga usapin, kinakailangan ng manghimasok. Sabi ko Lord, bigyan mo ko ng lakas ng loob. Wag mo akong hayaang mabulag sa mga nakikita ko. Kaya nakisawsaw na ako. Inayos ko ang mga hakbang na nararapat gawin. Dinala agad namin si Lola sa ospital. Papuntang ospital, nandoon ang halong emosyon. Nandoon pa din ang pananalig kong maayos sya.

At narating na namin ang ospital. Pagpasok sa Emergency Room, para ba akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Malala na pala ang Lola ko. Parang isang paralisado, nakangiwi ang mukha, labas ang dila, naninirik ang mata. Hindi ko mapigilang umiyak. Iyak ako ng iyak. Ang sakit sakit. Natanong ko sarili ko, ano nagawa ko sa kanya?

May mga pagkukulang ako, naging bulag- bulagan ako sa mga nangyayari. Para bang sinsabi ko na okay lang sya. Pero isang malaking kapalaluan ang lahat. Nasasaktan ako makita Lola ko sa ganoong kalagayan. Sa isip ko tinatanong ko Sya: “Lord, anong naging pagkukulang ko?”

Tinatawag ko sya. Sa kaibuturan ng puso ko. Alam ko naririnig nya ko. Ngunit ang pusong hangad na sumunod sa tinig Nya, handang gawin ang lahat. Doon ako natauhan, ang pagsunod ay ang pagtupad sa misyon ng buhay, ang magkaroon ng malasakit at pagmamahal. Sa loob ng kwarto ng Lola ko. Kinakausap ko sya, hawak- hawak ang manipis na balat at ramdam ng mga buto ng kamay nya. Mahigpit ang kapit nya, nakatingin sya sa akin na tila ba nagsusumamo ngunit halos bulag na ang kanyang mga mata. Awang awa ako. Sinabi ko kay Maria, na ibigay na lang ang karamdaman ng Lola ko sa akin. Nalaman ko na gusto pa ng Lola na mabuhay pa, ngunit sa ganoong kondisyon na naghihirap sya ay kay hirap tupdin. Bumuhos ang luha sa kwartong iyon. Nakakaaninag sya at naririnig nya ako, at paminsan- minsa’y may pagkilos sya. Tinitingnan ko sya sa kanyang mata. Nakikita ko paghihirap sa mga mata nya. Pagod na, pagod na mga mata nya. Kaya nasabi ko, Kayo na Po ang bahala.

Sa buhay, madalas ay nagbubulag- bulagan tayo, nagbibingi- bingihan at ang resulta ay ang pagpapabaya sa mga dapat ay binigyan natin ng atensyon noong una pa. Naging pabaya ako, naging bulag- bulagan ako, at ang resulta sa akin, napakasakit.

Kaya sa Iyo, Ama, inihahabilin ko ang kalagayan ng aking Lola. Kayo na po ang bahala sa kanya. Habang kami ay patuloy na umaasa sa mga pagpapalang ipagkakaloob mo sa Lola ko.

Noong pauwi na ko at nagpaalam sa Lola ko, binulong ko sa kanya, Lola, Happy Birthday, pagaling ka.

Lola Naty, Mahal na Mahal kita.

image

Posted from WordPress for Android

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s