Faith & Fear

May naalala akong maikling komedya tungkol sa tatlong Foreigner na ini-interview ng isang Immigrant Officer. Ang tanong ng Immigrant Officer sa bawat isa:

Officer: “Would you rather stay here for a long time?”

American:” I’m afraid not.”

At tinanong ang isang briton:

Officer: “Would you rather stay here for a long time?”

British: “I’m afraid so.”

At huling tinanong ang Pilipino ng Immigrant Officer:

Officer: “Would you rather stay here for a long time Sir?”

Sagot ng Pilipino: “I’m not afraid!”

May kinatatakutan ka ba?

Ito ang laging tanong sa akin kapag may isang bagay ako na sa tingin ko ay ayaw kong gawin. Lahat tayo may kanya- kanyang takot. Takot sa trabaho, sa pamilya, sa ka-eskwela o kaibigan, sa mga bagay na magdudulot ng matinding kalungkutan o pagkabigo. Madalas, takot tayong harapin ang katotohanan, ang kawalan, ang kalungkutan. Ayaw na ayaw natin ng mga ito.

Ngunit napaisip ako, kung hindi ko susubukan, kung hindi ko haharapin ang isang bagay, kung TAKOT lang ang paiiralin ko, hanggang kailan na lang ako sa ganitong sitwasyon?

Natural lang ang sumugal sa isang bagay na parang walang kasiguraduhan. Kahit sino man sa atin,  takot tumanggap ng kabiguan sa buhay dahil alam nating magdudulot ito ng matinding paghihirap, pagkalugmok at kalungkutan.

Sa bandang huli, naisip mo din ba? Na kasama mo Sya? Sumagi ba sa isipan mo, na pwede kang lumapit sa Kanya? Na tila ba, wala ka nang malalapitan at naisip mo Syang hingan ng tulong?

Walang dapat ipangamba kung tayo ay lalapit sa Kanya. Huwag matakot na humingi ng tulong mula sa Kanya. Kahit alam Nyang nagkasala ka, hindi ka pa din Nya pababayaan. Sabi nga nila, Tiwala lang!

Amen.

image

Posted from WordPress for Android

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s