Advent: Coming and Acceptance

  Naging matagumpay maitururing ang nakaraang Asia Pacific Economic Leaders Meeting or APEC Summit na idinaos dito sa ating bansa. Dinaluhan ng mga lider ng iba’t- ibang bansa at negosyante ang naturang pagpupulong upang bumuo ng polisiya o kasunduan na maglalayong mapalago ang ekonomiya ng bawat bansa na magbubunga ng employment, investments, pagkakakilanlan ng ating bansa sa pamamagitan ng mga produktong mula sa atin. Ngunit sadyang may mga taong hindi tanggap ang naturang pagpupulong. May nagsasabing hindi naman nakakatulong ito sa bansa, may iba naman isang abala lang ito sa kani- kanilang trabaho at ang iba naman ay sinasabing gastos lang ito sa pamahalaan. Sa kabilang banda, may iba naman na naniniwalang para sa ikabubuti ito ng bansa. Ang APEC Summit ay maituturing nating parang isang bisita na ating patutuluyin sa ating tahanan. Kung tayo mismo ang may bahay, pinaghahandaan natin ang pagdating ng ating bisita. Naglilinis tayo, nagluluto tayo ng masarap na putahe para sa ating bisita. Samakatuwid, tayo ay naghahanda sa pagdating ng isang espesyal na tao. Maaaring kaibigan, kamag- anak o ka trabaho.
  Sa pagbasa ngayong linggo, nakatuon ito sa pagdating, paghahanda at pagtanggap.
     Sa pagdating ng isang bisita sa bahay, may iba sa atin na tanggap at maluwag nating pinatutuloy ito sa ating tahanan. May iba naman na ayaw at hindi nila ‘feel’ ang kanilang bisita. Ang linggong ito ay isang hamon sa atin: “Sino si Hesus, pagdating sa ating buhay?” Sa trabaho na lamang, paano natin pinaghahandaan ang isang ka- trabaho? Ng may galak? Ng may pag-aalinlangan o ng may pagtataas ng kilay?
   Sa pagdating ng bisita, anu- ano ang ating paghahanda? Kung si Hesus ang darating, paano mo ito pinaghahandaan? Kung ako ang tatanungin, ang aking paghahanda ay maihahalintulad sa isang pagpapakasakit. Noong dumaranas ng hirap ang Lola ko, doon ko napagtanto na dapat ay bukas ang ating puso sa pagbibigay sa kapwa. Doon ko napagtanto na kahit anumang halaga o anuman ang maitutulong mo ay isang patunay na unti- unti, binubuksan ko na ang aking puso, hindi mo iisipin ang sarili, bagkus, iisipin mo ang kapwa mo. Simula noon, masasabi kong hinahanda ko ang sarili ko sa isang bagay na para bang dapat ko itong gawin kasi tama at naaayon sa kagustuhan ng Diyos.
    At ikahuli, ang pagtanggap. Sa anong paraan natin tinatanggap si Hesus sa ating buhay? Para sa akin, ang pagtanggap kay Hesus ay pagtanggap sa sarili na nandiyan ang Anak ng Diyos, hindi Nya tayo pababayaan kahit ano pa man ang mangyari.
   At ito ngang linggong ito, madaming nangyari sa akin. Iniyakan ko, kinalungkutan ko, para bang wala ng pag-asa. Ako po ay nakahanda ng umalis sa aming kumpanya tatlong araw bago mag-Pasko. Masakit at para bang walang kasiguraduhan, ito ang aking mga pangamba sa ngayon. Masakit dahil mawawalan ako ng trabaho. Walang kasiguraduhan dahil ako ay sumusugal sa isang bagay na kung saan ay para bang malabo pa ang lahat upang sabihing maaayos din ang lahat. Ngunit naisip ko, ang pagdating  ng ganitong pagsubok ay isang paghahanda sa isang pagbabago, pagbabalik- loob at pagtitiwala. At ang pagtanggap ko kay Hesus ay masasabi ko sa isang linya kapag ako ay sobrang lungkot na:

“Kayo na po ang bahala.”

Ang pagtitiwala kay Hesus ay isang uri ng pagtanggap. Ito ay matibay na pagsasabing, ang ating takot, lungkot, pangamba ay hindi natin dapat isipin, sapagkat, Hindi Nya tayo pababayaan. Kaya sana, dalangin ko sa mga oras na ito, ay maging isang paalaala ito sa akin, sa mga taong tulad ko, na si Hesus, ang Anak ng Diyos, kailanman hindi tayo pagdadamutan, hindi tayo pababayaan.

Amen.

image

Posted from WordPress for Android

2 thoughts on “Advent: Coming and Acceptance

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s