Give, Care and Share

Noong namatay Lola ko, sinabi ko sa sarili ko, dapat matuto akong maging bukas sa aking kapwa. Dapat hindi ako magdamot. Mararamdaman mo ang sakit ng hindi pagdamay kapag ikaw na ang nangangailangan. Inilalagay ko lagi ang sarili ko sa kalagayan ng Lola ko noong isinugod sya sa ospital. Hinang- hina, labas ang dila at kalahati ng katawan ay di maunat. Kung makikita nyo lang sya, maiiyak kayo. Masakit pala sa pakiramdam kapag ang minamahal mo na sa buhay ang dumaranas ng hirap sa kalbaryo ng karamdaman. Doon ko din naisip na tama ang kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.

Oo, may pagka kuripot ako, sabi nga ng kapatid ko madamot daw ako pero kapag sa kainan, laging go daw ako. Minsan o madalas di ko pinapansin ang mga pulubi sa daan. Kahit sa pamilya na lang. Ngunit, isang pangyayari pala ang makapagbabago nitong lahat. Siguro, kung hindi pa hahantong sa sakit at dusa ang Lola ko, hindi ko marerealize na dapat hindi magdamot at makasarili. Matutong magbigay, isipin ang iba, unawain ang iba. Kaya sa mga sandaling iyon, malaki ang pagsisisi ko. Bakit? Ilang taon kong hindi nadalaw Lola ko. Nagkita nga kami sa masaklap na pangyayari pa. Gusto ko mang sabihin kung gaano ko sya kamahal pero huli na ang lahat eh.
Hinihiling ko nga na sana magparamdam sya sa akin pero wala pa rin. Sabi ko hala, galit sa’kin si Lola, bumabawi. Di n’ya rin ako dinadalaw.

Kaya kung may pagkakataong magkita kita kayo ng kapamilya mo, kaibigan mo, o dati kong ka trabaho, gawin ninyo. Kapag may nakitang pulubi sa daan, kung nakaramdam ka ng habag, magbigay ng pagkain o anumang ayuda. Wala namang masama sa pagtulong basta bukal sa kalooban at ramdam ang panaghoy sa puso.

Ito nga siguro marahil ang isang aral na inihahabilin sa akin ng Lola ko, ang maging bukas ang sarili sa kapwa, sa mga taong nangangailangan.

Kaya Nanay Naty, kung nasaan ka man ngayon, kung may wordpress dyan sa langit, at may blog, (for sure unlimited surfing dyan sa net) basahin mo ito ha. Bilang isang pasasalamat sa walang sawang pagmamahal sa aming lahat. Patunay na may isa kaming naging Lola na handang tumulong sa amin kahit hikahos na sya sa buhay. Sabi nga nila, kakainin mo na nga lang biscuit mo, ibibigay mo pa sa mga apo mo para may makain din sila.

Salamat Nanay, mahal ka naming lahat.

image

Posted from WordPress for Android

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s