Kalikasan o Kawasakan?

Kapag may natatanging pagdiriwang ang Simbahan, gaya ng Kapistahan ng Hesus Nazareno, Sinulog o Kapistahan ng Sto. Niño, o anumang gawaing simbahan na dinadaluhan ng maraming deboto o mananampalataya, nakakatawag ng pansin matapos ng pagdiriwang ay ang tune-tuneladang basura na naiwan at nagkalat sa daan.

Naalala ko tuloy ang Closing Mass ni Pope Francis dito sa Pilipinas na ginanap sa Luneta. Matapos ang misa, sangdamukal na basura ang naiwan. Dagdag na natin ang katatapos lang na pagdiriwang ng Sinulog sa Cebu. Nag-iwan ito ng 110 toneladang basura matapos ang nasabing pagdiriwang. Natanong ko sa sarili ko, totoo ba nating isinasapuso at isinasaisip ang mensahe ng Santo Papa? Nakaraang taon lang din inilabas ni Pope Francis ang kanyang encyclical na Laudato Si. Tinatalakay dito ang pagpapahalaga at naging pagtawag ng mga Santo sa pangangalaga ng kalikasan. Kung patuloy nating aabusuhin ang kalikasan, wala ng dadatnang paraiso ang mga susunod na henerasyon.

Ito ay nagbigay na naman sa akin ng isa pang katanungan: atin bang pinoprotektahan ang likas na yaman ng ating bansa? Uso ngayon ang pag-akyat sa mga bundok, pagsisid sa dagat kasama ng mga isdang maituturing na endangered species gaya ng butanding o whale shark at kung anu-ano pang mga aktibidad na nagdudulot ng maraming bisita sa isang protektadong lugar gaya ng kalikasan. Sa ngayon kasi, base sa mga nakikita ko, nababasa ko, at naririnig ko, sadyang kay rumi na daw ng mga bundok. May nagtanong pa kung nasaan na ang LNT policy o leave no trace policy. Mga pinaglagyan ng pagkain, basyo ng tubig gaya ng plastic bottles at kung anu-ano pang basura. Alam nyo ba na ang mga butanding ay mga migratory animal? Ibig sabihin nito ay hindi sila tumatagal sa isang lugar dahil sumusunod sila sa panahon o agos kung saan madaming mga plankton, pangunahing pagkain ng mga butanding. Ngunit kalunus-lunos ang napapabalitang dahil sa pagdagsa ng mga tao sa isang lugar sa Cebu, halos magtagal ng ilang buwan o minsa’y taon ang mga butanding. Dulot ito ng mga turistang dumadayo upang makahawak (kahit bawal) upang makalapit (magbigay ng pagkain) sa mga ito. Sa madaling salita, nasisira o naiiba ang behavior at cycle ng mga butanding, nagiging dependent ito sa mga bangkang nagpapakain sa kanila at hindi kanais- nais ang madalas na pag-surface nila sa tubig.

Walang masama sa mga pagdiriwang, selebrasyon o pagpunta sa mga natatanging lugar. Ngunit atin ding pakatandaan na tayo ay may pananagutan sa ating kalikasan at likas na yaman. Huwag sana tayong maging pabaya, huwag sirain ang life cycle ng mga hayop at maging ‘disiplinado’ sa pagdalo ng mga pagdiriwang o pagtungo sa isang protektadong lugar.

image

Posted from WordPress for Android

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s