Hi Nay! A Letter to Grandma in Heaven

Hi! Nay! Kumusta ka na? Kumusta ang langit? Nagkita na ba kayo ni Tatay Oyong d’yan? Alam ko sobrang saya mo na d’yan. Wala ka ng nararamdamang pananakit ng tuhod mo, ang palagi mong iniindang sakit ng ulo at wala ka ng iinuming sandamukal na gamot dyan! Wala ka ng sakit. Ang saya saya mo siguro d’yan!

Halos mag aanim na buwan na n’ung iniwan mo kami. Ayun, bigla-bigla, pumapasok ka sa isip ko, naaalala kita, pero ‘di kita nakakalimutang ipagdasal. May pagkakataon na bigla akong malulungkot, pero gan’un talaga siguro. Masakit kasi Nay, lalo na sa akin ang pagkawala mo ‘nun. Kasi hindi man lang kita nakausap bago ka mawala. Naaalala ko, ang huling pag-uusap natin noong 2014, habang nasa byahe ako papuntang San Nicolas sa Ilocos Norte. ‘Di ko na maalala ang pinag-usapan natin ‘nun, ‘di ko din naintindihan mabuti ang sinabi mo n’un dahil naaalala ko na nakatuon ako sa daan at malapit na akong bumaba.

Ngunit magkaga ‘nun pa man, namimiss na kita. ‘Nung namatay ka, sabi ko dalawin mo man lang ako miski sa panaginip. Pero di ko maalala kung napaginipan nga kita.

Miss na kita Nay! Sorry kung ‘di kita nadalaw dati. Alam ko, nagkulang din ako sa’yo. Namimiss ko na malulutong mong halakhak, nakakahawa s’ya sobra. At alam mo Nay, miss na miss ko na mga luto mo. Lalo na pag de sarsa ang ulam. Minsan, inaasar pa kita pero nakikisakay ka pa rin. Napakabuti ng Diyos dahil nakasama kita. Alam ko mahal na mahal mo kami, kita naman ‘yun sa pagkupkop mo sa mga apo mong pakiramdam mo eh naaapi o naiiwan.

Alam mo Nay, naaalala ko pa noon, kapag may tampo ka, o nalulungkot, nakikita ko, sa papag mo, palihim kang umiiyak. Doon mo na kasi naibubuhos ang lahat. Okay lang ‘yun Nay. Nauunawaan kita. At higit sa lahat, naaalala ko pa noon, nung mga panahong naghiwalay tayo dahil sa hindi na namin kinakaya ang pamumuhay noon. Nakita na lang kita sa tricycle, kumakaway ka sa akin, nagpapalam. Hindi lang yung tagpong ‘yun. Naalala ko, yung umiyak ka, niyakap mo Mama ko dahil sa pagkakataong ding iyon, kailangan ka naminh ibigay sa kapatid ng Mama ko para matugunan pangangailangan mo.

Nay, sorry po. Sorry po sa mga pagkakataong nagkulang ako sa’yo. Madaming beses sa tagpo ng ating paghihiwalay hindi man lang ako nakakapagpaalam. Sorry po ha, hanggang ngayon, ang sakit sakit pa din Nay.

Ngunit sa kabila nito, nagpapasalamat pa din ako sa Diyos, sapagkat kapiling ka na ng may likha sa’ yo. Maginhawa ka na at masaya ka na. Sana ‘wag mo kaming pababayaan lalo na ang mga naiwanan mo dito sa lupa.

Nay, salamat! Alam ko binubulong mo sa Diyos ang mga kahilingan ko. Maraming salamat Nay! Mahal na mahal kita. Pakikumusta po ako kay Tatay Oyong d’yan sa langit.

Mahal ko kayo Nay, ‘wag n’yo po kami sanang kalilimutan.

image

One thought on “Hi Nay! A Letter to Grandma in Heaven

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s