Pentecost

  Mula sa trabaho, madaling- madali akong umuwi at sumakay ng jeep patungong Cubao. Araw ng sweldo ‘nun at alam ko ang tindi ng traffic na dadanasin ko sa lansangan. Pagkababa ko ng jeep sa Cubao, dumiretso ako sa isang mall at doon, tumitingala, naghahanap ng nakailaw na salitang taxi para makasakay na at mapadali ang aking pag-uwi. Ngunit sa tindi ng traffic, at sa dami ng mga taong nag-aabang ng masasakyan, kadalasan na sa mga taxi ay namimili na ng pasahero o ‘di kaya’y lalagpasan ka o maaaring may sakay din naman sila. Marami akong nakikitang mga nakasinding taxi na ilaw sa ibabaw ng sasakyan nila, na ibig sabihin available sila para mga pasahero. Ngunit sadyang mailap sila. Nakapila ako noon at halos nagsi-alisan na din ang mga nasa likod ko. Napapaisip na akong umalis sa pila, baka nga makakita pa ako ng iba pang taxi. Ngunit naisip ko, hindi naman ako pababayaan siguro ng Diyos, maghintay na lang ako.

  Dumaan ang kalahating oras ay wala pa ring taxi, ngunit nagkakapila muli sa likod ko. Alam ko mahirap makakuha ng taxi sa mga oras na iyon ngunit nagtyaga pa din akong maghintay. Hanggang sa isang taxi ang lumapit sa kinatatayuan ko. Nasabi ko sa sarili ko Thank You Lord! May kalumaan na ang taxi na nasakyan ko at may edad na din ang driver. “Saan po tayo?” tanong ng Mamang Driver. “Sa Marikina po, sa bayan”. Walang pag-aatubili, umalis na kami. Nakita ko ang I.D. ng Mamang Driver. Naisip ko ang tanda nya na pero nagtatrabaho pa. Pero mas may pumasok sa isip ko noong mga oras na iyon. Hanggang sa bumaba na ako sa tapat ng bahay namin at nagbigay ng bayad at sinobrahan ko pa, bilang pasasalamat na rin.🙂

Ang paghihintay sa taxi ay parang Pentecost, noong nabalitaan ng mga apostol at ni Maria ang pagpapababa ng Espiritu Santo, dali-dali ay pumunta sila sa Upper Room at doo’y naghintay. Ako noon ay naghintay, ng buong pagtitiwala. Kung minsan sa buhay, madalas lagi tayong nagmamadali. Nagmamadaling pumasok sa trabaho, umuwi ng bahay gaya ko o ‘di kaya ay nagmamadaling umuwi dahil sweldo at may mga binili para sa sarili o sa pamilya. Ngunit kung ang pagbaba ng Espiritu Santo sa atin, magmamadali kaya tayong umuwi? Sa madaling salita, kung ang pagpapala ng Diyos ay tulad ng paghihintay ng taxi malamang sa tayong lahat ay nagkukumahog sumakay ng taxi. Naisip ko, ang mga ilaw ng taxi sa ibabaw nito ay parang isang apoy, na lalapit at bababa sa’yo. Para bagang pinagpala ka, ngayon ay matuwa ka at ipagkalat mo ang mabuting balita. At gayon nga ang nangyari. Pagkababa ko ay nagkwento ako sa Mama at Papa ko.

  Napakabait ng driver ng taxi na nasakyan ko. Sa hirap sumakay ng taxi ngayon, madalas may mamimili pa ng pasahero o lugar, sya hindi, hinatid ako hanggang dito. Iyon ay isang senyales ng pagkagalak kaya naipamahagi ko ang karanasan ko sa ibang tao. Kung gaya lang sana ng karanasan ko sa taxi ang karanasan n’yo, na naisip n’yo pa sa mga oras na iyon, ang Pentecost ay parang sindi ng ilaw ng taxi, at natuwa kayo, sana ganoon din sa Diyos, sapagkat, sa bawat pagkakataong tayo ay pinagpala, pinagkalooban tayo ng Espiritu Santo, upang mamuhay at mamalagi sa ating puso. At masasabi nating, nakita ko ang Diyos, sa dinami rami ng pwede nyang isakay sa taxi, o mamili ng pupuntahan, hinatid Nya ako dito sa bahay. Amen.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s