Triune God

  Kilala nyo ba si Agapito Flores? Sya ang nag-imbento ng ilaw na tinatawag na flourescent lamp na napapakinabangan natin hindi lamang dito sa ating bansa kung hindi sa buong mundo. Si Agapito Flores ay isang Filipino, galing sa isang mahirap at ‘di nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan. Tubong Bulacan, lumuwas ng Maynila at nanirahan sa Tondo. Noon ay kumuha sya ng vocation sa elektrisya at doon nagsimulang mag eksperimento ng isang ilaw na kasing tingkad ng liwanag sa araw. At doon n’ya naimbento ang sikat at pinakagagamit natin na flourescent light na pinakikinabangan ng karamihan sa ating lahat.
   Isa lamang sa Agapito Flores sa mga imbentor at dalubhasa sa naturan nilang larangan na kung saan, nagdulot ng malaking kaginhawaan sa buhay ng nakararami. Dahil sa kanila, at sa kanilang imbensyon, marami sa atin ang nakararamdam ng maayos na pamumuhay sa araw- araw.
  Ganito ang pagsasalarawan ng tinatawag nating Santisima Trinidad o Holy Trinity. Kung ating pagbibigyang pansin, base sa ating kwento, ang lahat ng tinatamasang kaginhawaan ay dulot ng isang imbensyon na kinalaunan ay nagmula sa isang tao o imbentor. Ganoon din ang Santisima Trinidad o Holy Trinity (Sangtatlo). Ang Diyos Ama na may kapangyarihang lumikha ng mga bagay- bagay. Ang Diyos Anak na mula sa kaalaman ng Manlilikha at ang Diyos Espiritu Santo na bunga naman ng kabutihan na nagbibigay ng kaginhawaan o kalinisan. Ngunit hindi tatlong Diyos ang ating sinasabi dito. Ito ay nagmumula sa iisang Diyos lamang.
  May isang kwento tungkol sa isang pamilya na sumakay ng eroplano. Lulan nito ang Tatay, Nanay at ang Anak. Nasa himpapawid na sila ng nagsabi ang piloto ng emergency. Babagsak ang naturang eroplano nang mga oras na iyon. At bilang bahagi ng safety precaution, kinakailangang magbawas ng mga laman sa loob ng eroplano upang hindi tuluyang bumagsak o mag-crash ang eroplano. Lahat ng mga bagahe ay itinapon na nila o in-unload ngunit hindi pa din ito sapat. Kaya nagsalita muli ang piloto, kinakailangang may malaglag sa mga pasahero ng eroplano. Lahat ay nag-iiyakan at isa-isa, dala-dalawa ay may nahuhulog. May isang pamilya doon, ang Tatay, Nanay at ang Anak. Silang pamilya ay umiiyak at balisa na sila sa kung ano ang kanilang gagawin. Hanggang sa sinabi ng Tatay na sya na lang ang magpapatihulog upang ang kanyang mag-ina ay maligtas. Ngunit umapela ang Nanay, sya na lamang daw ang magpapatihulog upang maligtas ang kanyang mag-ama. Ngunit sumabat naman ang Anak, sya na lamang daw ang magpapatihulog upang maligtas ang kanyang mga magulang. Sa bandang huli, sila ay nagpatihulog, sabay-sabay buong pamilya.
   Lahat sila ay namatay ng sabay-sabay. Masalimuot man ang kwento ngunit nais ipahiwatig nito na hindi sapat lang na may mabuhay ang dalawa sa kanilang pamilya. Hindi rin sapat na may mamatay isa sa kanilang pamilya. Dahil sa pagmamahal, naisip nilang magpatihulog na lamang ng sabay-sabay, sama-sama magpasa huling sandali. Ganoon din ang Santisima Trinidad, hindi natin maaaring paghiwalayin ang mga katangian ng bawat isa. Sapagkat iisa lamang Sila na pinagbubuklod ng pagmamahal. Pagmamahal na kahit sa bandang huli, kahit sa huling sandali, sama-sama, sabay-sabay magpapatihulog dahil iisa sila sa pagmamahal.

Sa Ngalan ng Ama,
Ng Anak,
At Ng Espiritu Santo,

Amen.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s