Pag-Ibig na Walang Pinipili

Kung may itatangi man akong tao sa aking buhay, iyon ay ang aking Ina. Sapagkat sa kabila ng aking pagkukulang, sa kabila ng pagkamasarili, sa kabila ng aking hindi perpektong anak, nariyan sya, handang umalalay sa akin at sa aming lahat. 

Kapag ako ay nilalamig, ako’y kanyang kinukumutan. Kapag ako ay may sakit, hindi n’ya ako matitiis, ako ay kanyang aalagaan. Kapag ako ay gutom, agad nya akong ipaghahanda ng makakain. Ganoon naman marahil ang isang Ina; matiisin sa kabila ng kabalintunaan ng kanyang anak. 

Madalas pa din sumagi sa isip ko ang Lola ko. Noong s’ya ay nasa piling namin, doon ko nadama ang isang pagmamahal na walang pinipili, pagmamahal na walang kinikilingan. Minsan, maiisip at matatanong mo sa sarili mo, bakit n’ya kailangang gawin iyon? Bakit s’ya ang sumasalo sa mga problema ng kanyang mga anak? Kasi, dahil mahal n’ya ito. Ang pagmamahal na walang pinipili na kahit wala na sa kanyang matira, pagmamahal na kahit iba ang makinabang ay ayos lang. Kasi, ganoon ang pag-ibig ng isang Ina. Kaya, sa mga pagkakataong hindi ko nasabi ang lahat, nakakapanghinayang at nakakalungkot. Kung may pagkakataon akong makausap man lang sya noon bago nya tuluyang lisanin ang mundong ito, nais kong ipabatid sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Kung gaano ako nagpapasalamat dahil nagkaroon pa ako ng isang Ina na nagmamahal nang walang pinipili. 

Nay, salamat sa lahat. Sa pagiging matiisin mo sa amin. Sa pagiging makulit sa paghahabilin sa amin. Patawad sa mga pagkakataong kinalimutan kita. Patawad sa mga pagkakataong ‘di man lang kita nabisita. Ngunit sa kabila nito, taos-puso akong nagpapasalamat sa Diyos, dahil nakita ko, ang tunay na pag-ibig, na walang pinipili. Salamat Nay! ‘Wag mo kaming pababayaan. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s