Dapit Hapon ng 2016

Natapos na naman ang isang taon sa buhay natin.  Isang taon nang makulay at maraming aral na iiwan sa atin bago tayo pumasok sa bagong yugto ng ating buhay.  Sa taong ito,  marami tayong dapat ipagpasalamat.  Una,  ang buhay na mayroon tayo.  Magpasalamat tayo sa Diyos at binibigyan pa din tayo ng pag-asa,  pagkakataon na mabuhay.  Ikalawa,  ang mga pagsubok na ating pinagdaanan.  Kung hindi dahil dito,  maaaring wala tayo sa ating mga kinalalagyan ngayon.  At ikatlo,  ang pag-asang dulot nang taong ito.  Anuman ang iyong hinarap,  o hinaharap,  pagsubok man o suliranin,  patunay lamang ito na hindi tayo nakakalimutan ng Diyos. Kasama natin siya sa mga ganitong uri ng suliranin at pagsubok.

Naging makulay ang taong 2016 para sa akin.  Ang paghihintay,  ang pagtanggap,  mga ‘di inaasahang tagumpay at higit sa lahat, mga biyayang ipinagkakaloob N’ya sa akin. Hindi naman biro ang mawalan ng trabaho lalo na at sa iyo naka-depende ang iyong pamilya.  Halos 6 na buwan akong walang trabaho mula pa noong December 2015 hanggang March 2016. Nandoon ang takot,  pangamba at pag-aalinlangan.  Minsan,  matatanong mo pa sa sarili mo,  nakikinig ba ang Diyos? Ngunit,  sa loob ng anim na buwan na iyon,  hindi ako nakaramdam ng panghihina sa pananampalataya.  Nagtiwala ako ng buong puso sa Kanya,  hindi ako nawalan ng pang-pinansyal na pangangailangan,  hindi ako nagutom,  hindi naghirap ang pamilya ko. Ang unang tatlong buwan ng taong 2016 ay masasabi kong mirakulo ng Diyos sa aking pamilya.  Nandoon ang paghihintay at pag-asang balang araw,  magkakaroon din ako ng trabaho muli. At hindi N’ya ako binigo. Bukod pa dito,  nakapaglibot pa din ako sa iba’t- ibang panig ng Pilipinas. Nakarating muli ako sa Panay Island,  sa Cavite,  Tanay,  Tarlac at kung saan-saan pa.  At sa mga huling linggo ng Marso,  sadyang ‘di ako pinabayaan ng Diyos.  Nakuha ko ang dalawang separation pay sa dalawang dati kong pinapasukan.  

God is really good all the time! 

Sa pagpasok ng buwan ng Abril,  nakakuha ako ng trabaho.  At sa hindi ko inaakala,  napakasaya at kay buti ng mga tao doon.  Nasabi ko sa sarili ko,  Salamat sa Diyos! Maganda ang aking nakukuhang bayad sa aking trabaho at may mga bonus pa silang naibibigay sa akin.  Kahit may kahirapan sa trabaho ay ayos lang, dahil hindi naman lahat madali nating nakukuha,  dapat natin itong pagpaguran.  Tinanggap ko ang anumang iatas na pagsubok sa akin,  kahit sa una ay may duda,  hinayaan ko lang ito at ipinaubaya sa Diyos. At natapos ko lahat ito ng maayos at masaya,  minsan,  na-mimiss mo pa nga ang ibang gawain doon.  

At, ang mga ‘di matatawarang pagpapalang ipinagkaloob sa akin ng Diyos.  Nakapagbahagi ako ng aking istorya ng buhay sa Kerygma Magazine na inilabas nitong September 2016, ang aking nominasyon sa Catholic Social Media Awards sa kategoryang Best Blog at nakapagsulat din ako sa isang youth oriented reflection book ng Didache 2017: For the Youth,  By the Youth. Sadyang hindi ko lubos akalain ang mga bagay na ito.  At taos-puso akong nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng pagsasakatuparang ng mga ito. 

Humantong na din ba kayo sa puntong,  alam mong malapit ka ng mawalan,  pero may biglang dadating at pupunan ang iyong pangangailangan?  Sa akin,  maraming beses na itong nangyari.  Sa pagpapala ng Diyos at sa mga taong naging aking sandigan,  tunay ngang may habag at awa ang Diyos.  

Madalas kong nahuhuli ang aking sarili na minamasdan ang paglubog ng araw.  Para sa akin,  nag-iiwan ito ng isang mensahe.  Isang mensahe na nagsasabing,  tayo ay patuloy lang na magtiwala sa Diyos,  sa paglubog ng araw,  binibigyan tayo ng pagkakataon upang makapagpahinga,  manahimik at mamangha,  kung gaano kay buti ng Diyos.  Dahil sa bawat paglubog ng araw sa dapit-hapon,  dala nito ay ang pag-asang may bukas pa,  maghintay ka lang at magtiwala.  

Isang mapagpalang bagong taon sa ating lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s