Nasaan Ka, Hesus?

Minsa’y masaya, minsa’y malungkot;

Kapag masaya, halos limutin Ka,

Kapag malungkot, nama’y sisihin Ka,
Nasaan Ka, Hesus?

Hanap- hanap Ka,

Sinisinta Kita.

Ako ngayo’y nalulungkot,

Ako ngayo’y nagtitika.

Samo’t dalangin,

Nawa’y ako ay patawarin.
Minsan na Kitang tinalikuran,

Minsan na din Kitang kinalimutan

Ngunit,  nandyan Ka pa rin;

Handang pagaanin- suliranin,

Buhay man ay giginhawa rin.
Nasaan Ka, Hesus? 

Ala-ala ay ‘di nakukupas.

Panahong hinahanap-hanap ka.

Mapadpad man kung saan,

Tahanan mo, aking agap hinahanap.

Sino ang makakalimot, 

Sa araw na iyon,

Dinayo Ka sa kalayuan, 

Makita ka lamang; 

Sa Krus nakabayubay,

Buong puso’y nagpupugay.

Kay sarap namnamin,

Araw na iyo’y kay inam.

Doon ko napagtibay

Ang Iyong pag-gabay.

Ang Iyong pag-ibig;

Sa taong timid dapat sa pag-ibig.
Nasaan Ka, Hesus?

Ako sana’y huwag iwan.

Pagkat pag-ibig ko sa Iyo’y

Magpakailanman.
Amen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s